APAT

143 5 5
                                    

Nagising ako sa tawag ni ate Samira. Mabilis ko itong sinagot. Nakaka 10 missed calls na ito.

You faggot answer the fucking phone!

You bird brain! Pick up!!

Sunod-sunod ang mga messages ni ate sa akin. Ano na namang bang ka praninang ang sumasapi sa kapatid ko? At napaka aga kung mambulabog. Tinawagan ko siya pabalik habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

Bacardi talaga ang papatay sa akin.

"Ano yung nakarating sa akin na sumama ka kina Kenny at Francis? My God Pierre," hinatak ko papataas ang kumot ko dahil walastik ang lamig sa bukid na to.

"Bru, nag shot lang kami. May malapit na bar pala dito. Kaya sinubukan namin. Namiss na ng katawan ko ang alak. I was a fucking mess last night. Pero, Buhay na ulit ako. Tama na panenermon mo, Ate. May hang over pa ako." Ramdam ko ang pag kadismaya sa akin ni ate.

"Pi, alam mo? Hindi mo tinutulungan yung sarili mo. Lalo mo lang binabaon yung sarili mo. Paano pag nalaman to ni Papa?" napakamot ako sa ulo. Ang sakit ng ulo ko, gusto ko pang matulog.

"Alam mo ate, hindi niya malalaman. Not unless,isumbong mo ako. "

"Kailan ka ba tatanda Pierre? For pete sake, 23 years old ka na. Act your age naman bro. Kung hindi ka sana pabalik balik sa high sch---" ayoko sa lahat ang pinapagalitan ako.

"Papagalitan mo ba ako? Damn it ate. Bawal na bang mag saya?"

"Pierre, concern lang naman ako. You're making me worry." Narinig ko itong mag buntong hininga. "Basta mag iingat ka diyan. Okay?"

"Ate, can you g---"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko binibaba na ni ate ang tawag. Dahil biglang dumating si Daddy. Tangina, ubos na pera ko. Napaupo ako at inabot ang wallet ko gamit ng paa ko. Naka kalat kasi ito sa sahig.

Nag message ulit sina Kenny at Francis. Hindi na naman pumasok ang mga ungak. Iinom ulit kami.

Tinignan ko ang laman ng wallet ko, be-bente pesos na lang ang laman. Ang sabi ko pa naman sa mga gagong yon sagot ko ulit ang pang walwal namin ngayon.

Puta bahala na.

"Tong? Gising kana 'tong?" heto na naman ang matandang to. Umakyat ito sa kubo, Ngumiti rin ito sa akin pag katapos.

"Gising kana pala." Pumasok si Mang Kulas sa kubo.

"May pag kain sa kusina. Lumabas ka na lang at kumain ka. Pupunta lang kami sa bukid." tumango lang ako bilang pag tugon.

Dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Kinuha ko lang yung puting t-shirt ko at tsinelas. Pumunta na ako sa bahay ni Mang Kulas.

Bago ako tuluyang pumunta sa kusina, binuksan ko muna lahat ng kwarto. Nakakalungkot talaga ang buhay nila. Hindi sila natutulog sa kama.

Yung kwarto ni Janus puno ng poster ng Flame of Recca at Dragon ball Z. Mga lumang laruan. Halatang malungkot ang childhood ng gagong yon. Hindi rin naka platada ang bahay, kaya kitang kita ang kalumaan ng mga hallowblocks.

KEKA KU, KAKU KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon