Chapter 27

79.3K 2.2K 136
                                    

Hello, @thenthwonder and @gagamaestra! Thank you for your wonderful feedback!

Chapter 27

"ARE you ready?"

Tumango si Liberty kay Captain Red at mahigpit na hinawakan ang kanyang boquet. She has readied herself since last night. She'd practiced her walk, her smile, her grace, and her role as a bride. Gano'n pa man ay nilulukob ng kaba ang kanyang dibdib. She might lose her life anytime of the day. She might get shot while walking down the aisle.

Mahigpit ang seguridad sa buong simbahan. Halos lahat ng M&C detectives ay naroon. Kung sakaling ngayong araw sumugod ang mga kalaban ay tiyak na siya ang unang pupuntiryahin. Parang sa huling pagkakataon ay gusto niyang umatras sa misyong ito. Kung hindi lamang nangako sa kanya si Captain.

"Okay, fine. Papayagan na kitang mag-resign. In one condition..."

She was attentive while anticipating for the next thing that Captain Red would tell her. Kagagaling niya lamang sa mansyon ni Theo at dito siya dumiretso. She made up her mind already. Maybe it's time to complete herself. Gusto na niyang maging masaya nang buo. At mangyayari lang iyon kung palalayain na niya ang kanyang sarili.

"You will be my twin's pretend-to-be-bride."

"What?!" Napatayo mula sa upuan si Liberty.

"You've got to be kidding me, Captain!"

"Of course, I'm not. Actually, matagal na itong napagplanuhan, ang kulang na lang ay ang bride na magpapanggap."

"At bakit kailangan kong magpanggap na bride niya? Ibig sabihin magpapakasal kami ni Boss Blue?"

Ang tinutukoy niya ay si Dark Blue na kakambal ni Captain Red.

"Yes, L. Sa lalong madaling panahon."

"I can't," agaran niyang tanggi. Biglang lumitaw sa isip niya si Theo. She will only be marrying that man, no one else.

"Nasa panganib ang totoong bride-to-be ng kapatid ko, L. Lagi siyang pinapasundan ng pinsan niyang drug lord sa mga tauhan niya. Kapag nalaman nilang may ugnayan pa sila ng kapatid ko ay tiyak na gagawin nila siyang bitag sa kapatid ko."

"What?! Then why not kill him?"

Agad na umiling si Captain Red at malungkot na bumuntonghininga.

"Unfortunately, we can't. Matagal ko nang gustong gawin iyon sa kanya pero hindi puwede. Ang utos ng kakambal ko ay dakpin lang at ipakukulong habang buhay. Afterall, that bastard is going to be his cousin-in-law kapag naging asawa niya na si Allenda."

"Who's Allenda?"

"She's my brother's soon-to-be wife. At pinsan niya ang drug lord na si Jerome."

Hindi makapaniwalang napanganga si Liberty. She already made a promise to herself that she will make things right this time. No more Liberty Parreño, only Arianne Villamor.

"Pero, Captain... bakit ako na naman? Wala ka na bang ibang--"

"This will be the last time, L."

"Why not Jean? Captain, I'm sorry, but I really cannot--"

"By the way, Jerome is also the son of the drug lord who killed your brother,"
Captain Red interrupted for what she was about to say.

Napaatras siya at nanghina.

Flashes of camera surrounded her as she started walking down the carpeted aisle. Nakangiting nakatingin sa kanya ang kanyang groom. She sighed inwardly. Kung hindi lang talaga malakas sa kanya ang kanyang boss ay hindi siya papayag. Sa kanang bahagi ay naroon ang buong pamilya ni Captain Red. Isa na roon ang big boss ng M&C, si Silver Rain Mijares.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon