Kabanata 10.

66.4K 1.5K 143
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Ilang araw ang lumipas. Sa loob ng ilang araw na 'yon ay kakaiba ang ipinapakita sa'kin ng Kuya Fabio. Ayaw na kasi niyang tawagin ko pa siyang kuya dahil para sa kanya ay hindi kami magkapatid. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa araw araw na pumapasok ito sa trabaho ay palagi ko siyang hinahanap. Para bang droga na nakaka adik.

Sabado ng umaga at tumutulong akong mag ayos ng mga bulaklak sa vase. Kapipitas lang kasi ito sa garden kaya't sariwa pa. Dumating ang kuya Matias tsaka ako tinawag.

"Kuya ano 'yon?" Ani ko. Nakangiti ito.

"Busy ka? Gusto mong mamasiyal?" Napaisip ako saglit. Saan kaya kami pupunta? Hindi pa ako maka oo dahil alam kong hahanapin ako ng Kuya Fabio pag uwi nito.

"Uhm sa ibang araw na lang kuya. May ginagawa rin kasi ako." Alam kong hindi naman makatotohanan 'yon dahil hindi naman ako nag aaral sa labas. Pero kumuha ng tutor ang mga magulang namin para maipagpatuloy ko dito sa mansion.

"Bakit may pinapagawa ba si Mrs. Diliman?" Ang tutor ko ang tinutukoy nito. Saglit akong napaisip. Ano ba ang assignment ko kay Mrs. Diliman?

"Alena?" Napukaw ang atensiyon ko ng mag salita ito muli.

"Ah oo may pinapasagutan kasi siya sa'kin. Hindi ko pa kasi nauumpisahan." Napakamot ako sa ulo. Diyos ko Alena kailan mo pa nagawang mag sinungaling?

Napatango tango naman ito saka ngumiti.

"I see. Well if you change your mind just call me. I'll go ahead." Masayang ani tsaka umalis. Hindi naman na ako nakapag salita pa at pinagmamasdan lang siya habang papalayo.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ipinag babawal ng Kuya Fabio ang pag sama ko sa Kuya Matias. Wala namang kasing masama dahil kapatid ko ito.

Bumalik na ako sa pag aayos ng mga bulaklak. Matapos non ay nag gawi ako sa kusina para alamin ang ginagawa nila. Naabutan ko si Nanang Flora na nag luluto na. Siya kasi ang taga luto dito sa mansion at masarap itong mag luto.

"Nanang?"

"Ay Senyorita nariyan pala kayo. May ipag uutos ba kayo?" Ani nito. Ang Nanang Flora ay may katandaan na. Pero matagal na itong naninilbihan sa pamilya namin simula pa sa hacienda.

"Nanang wala naman po. Gusto ko lang malaman kung ano ang niluluto niyo?" Masayang tanong ko tsaka lumapit dito.

Ilang minuto na ang lumipas. Tumutulong ako sa pag hahalo ng sinigang habang nag hihiwa ng ibang sangkap ang Nanang. Pumasok ang mayordoma at nagulat kung bakit ako gumagalaw sa kusina.

"Ayos lang ako talaga ang nag prisenta." Ani ko dahil pagagalitan nito ang Nanang.

"Nako Senyorita hindi ba ito ikagagalit ng mga magulang niyo? Inaalala ko ang Don Zalazar." Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Mas gusto nilang matuto na ako sa gawaing bahay. Hindi naman kasing magandang tignan kung wala akong alam sa gawaing bahay lalo na dito sa kusina."

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon