CHAPTER 19

979 25 3
                                    

THE WRONG MR RIGHT

by rj nuevas

 

CHAPTER NINETEEN

I can’t believe it! Ipinagtanggol ako ni Edge sa mga nambastos sa akin?

            “Edge,” sabi ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tumayo. Dumudugo ang ilong at labi niya.

            “I’m okay,” sabi niya, sabay ngiti. “I’m a tough guy, you know?” Pero napangiwi siya. Halatang nasaktan. He’s not that tough, after all.

            Kinapa niya ang bulsa niya. Siguro, naghahanap ng panyo. “I didn’t bring my handkerchief. Can I borrow yours?”

            Ibinigay ko sa kanya ang panyo ko. Pinunasan niya ang dugo sa ilong at labi niya. Saka yung ilan na pumatak sa polo shirt niya. Yay, siguradong magmamantsa na iyon. Sayang. Halata pa namang mamahalin.

            Napatingin siya sa panyo ko na may dugo na. Sabi niya: “papalabhan ko muna bago ko isoli sa iyo.”

            “Huwag na. Ako na ang maglalaba.” Sabi ko, sabay kuha sana sa panyo. Pero ibinulsa lang niya iyon. Alangan namang dukutin ko sa bulsa niya, no?

            “Magsumbong tayo sa pulis,” sabi ko.

            “No need. Hassle pa yun,” salag niya. “I’m okay, honest.”

            “Bakit mo ba ako ipinagtanggol?” tanong ko.

            “Because I’m still a gentleman kahit ang tingin mo sa akin asshole,” pagtatanggol niya.

            Gusto kong kontrahin iyon, pero ano ang sasabihin ko? Totoo naman yon. Nakakainis siya these past few days pero ipinagtanggol naman niya ako. Isn’t that very gentlemanly of him?

            “Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” tanong ko. Bakit nga ba siya biglang sumulpot dito?

            “Inaabangan talaga kita.”

            Nagulat ako.

            “I wanted to talk to you. To apologize,” very sincere niyang sabi.

            Wala akong nasabi.

            “We started on a wrong foot, I guess. When you kissed me that morning, puyat ako. May hangover. Kaya nagulat ako. Please forgive me.”

            Paano ko naman ako magmamatigas pa? Iniligtas niya ako, di ba? I’m not a damsel-in-distress-type of a girl, kaya kong labanan ang nga nambastos sa akin. Not physically, no, pero kaya ko silang taray-tarayan. Ang mga lalaki naman, kapag umalma na ang girl, tatahimik na rin. Saka, hindi naman mga rapists-in-the-making itong sina Dennis at Carlo. Mga maloloko lang sila. Kayang-kaya ko ang mga yon. But the fact remains, ipinagtanggol ako ni Edge.

            “Okay, you’re forgiven,” sabi ko.

            “Thanks, Welcome,” nakangiti niyang sabi. “By the way, bakit Welcome ang name mo?”

            “Nickname ko lang yon. Sa Welcome Rotonda kasi ako ipinanganak dahil hindi na umabot sa hospital ang Mother ko.” Mother daw o? Bakit all of a sudden, nagpapa-cute ako sa lalaking ito?

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon