Kabanata 11.

60.1K 1.6K 154
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

"Hindi ka ba mahuhuli sa trabaho?" umiling lang ito saka kinabig ang batok ko at siniil ng halik. Para akong malulunod sa mga halik niya. Napahinga ako ng malalim at nanlaban sa mga halik nito.

Hindi na gumagana ng maayos ang pag iisip ko. Nabubura niya ang lahat lahat ng pag aalinlangan ko. Sa tuwing maiisip kong mali ang ginagawa namin, mas natatakot ako kung mawawala siya sa'kin.

Sa ilang araw naming ganito'y wala ng aminang naganap. Para bang sa isang iglap lang ay naging baliw kami sa isa't isa. Hindi ko na inisip kung iisa ba ang sinisigaw ng mga damdamin namin dahil ang mahalaga sa akin siya ngayon.

Bumaba ang mga halik nito sa'king leeg at nag tungo sa dibdib ko.

"Ah Fabio." Hindi ko maiwasang hindi mapaungol. Sadyang napakagaling niyang mag romansa.

"Shhh" Pinatahimik niya ako saka muling sinakop ang mga labi ko. Ang kamay niya'y nagsisimula ng maglakbay. Itinaas ang suot kong pang itaas at mabilis na natanggal ang mga saplot.

Hinalikan nito ang balikat ko papunta sa'king braso. Para akong nahihibang. Hindi na mapalagay at hindi alam kung saan ihihilig ang ulo.

"I want you now Alena." Bulong nito sa'kin. Hindi ako papalag. Gusto kong ma angkin niya ako dahil sa kanya lamang ako. Buong puso't kaluluwa, ang lahat lahat sa akin ay gusto kong akuin niya.

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko gamit lamang ang malaking kamay. Napangiwi man ako sa sakit ng kanyang pagka rahas ay mas nangingibabaw ang kagustuhan kong ma angkin niya.

Muling sinakop ang aking mga labi. Marahas na halik at gigil na gigil. Tumigil ito ng malasahan naming pareho ang dugo. Dugo na nagmumula sa'kin dahil sa kanyang dahas.

Tinitigan niya ako. Nanlumo bigla ang mga mata nitong may bakas na ng lungkot. Dahan dahang hinawakan ang ibabang labi ko at pinahid ang kaunting dugo dala ng pagsusugat.

"I'm sorry. Hindi ko nakontrol ang sarili ko." Hinawakan ko naman ang kamay niya. Ayos lang sa'kin ang masaktan kung siya lang naman ang dahilan.

"Ayos lang, ayos lang sa'kin ang masaktan kung ikaw ang dahilan." Napakunot noo ito. Tila hindi nagustuhan ang bawat katagang binitawan ko.

"No I won't hurt you. I'm sorry." Bumaba ang boses nito na tila namamaos. Hinaplos ang mga labi ko tsaka sinimulang halikang muli. Ibang iba sa mga halik nito na marahas at walang pag iingat. Ninamnam ko ang mapanuyong mga halik niya. Napakapit ako sa magkabilang balikat nito habang palalim ng palalim ang pinagsasaluhan namin.

Mas masarap. Punong puno ng emosiyon at pag iingat. Ngayon lang niya ito ginawa. Humiwalay muli ito sa'kin at tinitigan ako. Hinaplos ng mapanuyo maging ang mukha ko pataas sa aking buhok. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Pababa sa'king ilong, dumako sa'king mga labi at nag tagal duon.

"Fabio?" Tawag ko dito. Tumingin muli siya sa'kin.

"Mahal na mahal kita Fabio." Hindi ko na napigilan muling ungkatin ang nararamdaman ko.

Matagal siyang napatulala sa'kin. Masakit ito dahil alam kong wala akong aasahan. Ibubuka na niya sana ang mga labi ng pigilan ko. Baka hindi ko kayanin ang isasagot niya. Baka makasira lamang sa samahan naming dalawa kung ano ang matatanggap ko.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon