Kabanata 12.

58.5K 1.5K 153
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Panghahawakan ko ang sinabi niya. Hindi ako nananaginip dahil gising na gising ang diwa ko.

"Do you understand me?" Kunot noo nitong tanong na tila naiinis na dahil sa matagal kong pagkatulala. Napangiti ako dito at tumango. Hindi naman na ito nag salita pa at saka ako hinila para yakapin.

Hindi ako nagdalawang isip na gumanti ng yakap dito. Natahimik kaming dalawa habang hinihimas ang aking buhok. Napahikab naman ako nang makaramdam bigla ng antok. Isiniksik ko ang ulo sa kanyang dibidib habang magkahiga kaming dalawa. Gusto kong matulog ng mapayapa kasama siya.

Naalimpungatan ako ng maramdamang wala na ito sa tabi ko. Madilim ang paligid kaya't nabaupo ako at luminga linga.

"Fabio?" Hanap ko ngunit wala ito. Kaagad akong nag tungo sa banyo at nagbaka sakaling naroon siya ngunit bigo ako. Naghilamos na ako at nag mumog. Bumaba ako para tignan ito ngunit bigo pa rin ako. Wala siya sa mansion. Nahagilap ko pa ang Nanang Flora na nag aasikaso ng pagkain.

"Senyorita tamang tama mag kakabihan na." Masayang ani nito. Napangiti na lang ako ngunit ang mga mata'y si Fabio ang hinahanap.

Hindi naman ako nahirapan, may narinig akong nag uusap mismo sa labas ng mansion kaya't lumabas ako para silipin. Nagtago ako sa likod ng malaking pigurang rebulto nang makita ang Kuya Matias na kausap si Fabio.

Seryoso ang kanilang pinag uusapan. Hindi ko man lubos na marinig dahil sa may kalayuan ito'y pansin kong nagkakapikunan muli ang dalawa at maaaring mauwi sa sakitan.

Lalapit na sana ako, ngunit napahinto nang makitang dinuduro ni Fabio si Kuya Matias.
"Stay away from Alena." Gigil na ani nito. Ako ang kanyang tinutukoy. Hindi ko alam kung anong maaaring isipin ng Kuya Matias. Hindi ko kontrolado ang pwede niyang isipin sa binitawang salita ni Fabio.

Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kusina. May maliit kasing banyo roon at doon ko napiling mag tungo para huminga. Hindi ako makahinga ng maayos sa paghaharap nila. Para bang anumang oras ay sasabog ito na parang bulkan.

Tinitigan ko muli ang sarili sa salamin. Nanlalamig ang magkabila kong kamay habang nagmumula at nag iinit ang magkabilang pisngi. Ano bang nakain ng isang 'yon? Bakit niya kinausap ng ganoon ang Kuya Matias? Natatakot ako na baka makahalata ito sa kung anong namamagitan sa'min ni Fabio.

Binasa ko ng malamig na tubig ang buong mukha para mahimasmasan. Kailangan kong umaktong normal dahil kung hindi ay tiyak na mabubuko kami.

Dumating ang araw ng pag uwi nila mama at papa. Ang araw na hindi naging madali sa pagtatago namin ni Fabio.

Isang gabi habang kami'y salo salong nag gagabihan ay nag salita ang papa. "May importante tayong pag uusapan Fabio." Natigil ang aking pagkain at nag angat ng tingin. Lumapit naman si Arya at nag abot ng juice na maiinom.

"Salamat." Ani ko at ngumiti ito bago umalis. Ang Kuya Matias ay seryosong kumakain. Ilang araw na ring nag bago ang pag uugali nito. Ilang araw ng hindi kumikibo at seryoso.

"Tungkol ito sa anak ng Duke." Nag tiim bagang bigla si Fabio sa nadinig. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy ng papa.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon