CHAPTER 32: Bestfriends..

23.9K 352 11
                                    

CHAPTER 32: Bestfriends..

 

TJ’s P.O.V

 

 

Bzzzzt. Bzzzzt.

 

“Hello?”

[Tj anak, sunduin mo kami ng kapatid mo dito sa airport.]

Si Mama?

“Ma! Teka, ano?”

[Sabi ko sunduin mo kami ngayon ng kapatid mo, nandito kami sa airport. Bilisan mo kailangan makapagpahinga ng kapatid mo.]

Yun lang at pinatay na ni Mama yung tawag.

Paalis na sana ako..

“Tj? Sabayan mo na kami kumain ni Cassiel..” – nakangiting sabi ni Nezza.

Humarap ako sakanya.

“Ahh, kailangan ko munang umalis.. may pupuntahan lang ako.” – sabi ko.

“Ha? Eh kauuwi mo lang ah? Hindi ba pwedeng mamaya na yan? Magpahinga ka muna..” – nag aalang sabi niya.

“Sorry Nezza pero imortante kasi eh.”

“Ganun ba? O sige, mag ingat ka ha?” – sabi niya, saka umalis na ko.

------

Pagdating ko sa airport, sumalubong sakin si Darryl. Sobrang putla niya, at payat. Nakabonet siya..

“Kuya!” – sigaw niya saka niyakap ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, bakla na pero naiiyak ako at nakita kong ganito ang kapatid ko.

“Hoy! Kuya! Hindi ka ba masaya nandito na kami ni Mama! 2 years din tayong hindi nagkita!” – nakangiting sabi niya.

“Ha? Masaya.” – sagot ko.

Inakbayan niya ako at saka humarap kay Mama.

“Tara na Ma, namimiss ko na rin si Daddy.” – sabi niya.

Tinulungan ko sila sa mga dala nila at sumakay na sa kotse.

Sa passenger seat nakaupo si Darryl.

Tinignan niya sandali si Mama.

“Tulog si Mama. Siguradong pagod sa biyahe yan.” – sabi niya.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon