CHAPTER 2

3.5K 75 3
                                    

CHAPTER 2


 Tinignan ko yung repleksyon ng katawan ko sa salamin, bahagya akong napangiti ng makitang nag iiba na ang pangangatawan ko dahil sa gabi gabing work out.



Naglakad ako palapit sa kama at kinuha don ang tshirt ko, mabilis ko yun sinuot tapos ay inabot ko ang salamin ko na nasa bedside table at sinuot din.



Pinakiramdaman ko muna ang labas ng kwarto, mukhang tulog nanaman sila. Walang ingay kong binuksan ang pinto, hindi ko sinara yun para mabilis ako makapasok mamaya.



Sinilip ko muna ang hagdan bago dumaretso sa kusina, kumuha agad ako ng makakain na dadalhin sa kwarto para don kumain.



Nang makakuha ay tahimik pa din ako naglakad pabalik sa kwarto ko, natigilan ako ng biglang bumukas ang ilaw sa sala. Napatingin ako sa step brother ko na si Erick, namumungay ang mata nito at namumula.



Hindi ko na siya pinansin ulit at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko ngunit bago pa ako makapasok sa kwarto ay nakalapit na si Erick sa akin at inagaw ang hawak kong plato. Malakas niyang binato sa sahig iyon kaya nagkalat sa sahig yung pagkain at ang basag na plato.



"Kapal ng mukha mo! Wala ka namang ambag dito sa bahay, lalamon kapa?!" Napaatras ako ng malakas niya akong itulak.



Dumura pa ito bago ako lagpasan at umakyat sa hagdan, napailing nalang ako at kumuha ng panlinis tapos ay nilinis ko ang nagkalat sa sahig.



"Hoy nerd! Natapos mo ba yung pinapagawa namin?" Singhal ng kablockmate ko sa isang subject.



Mabilis ko naman kinuha sa bag ko yung tatlong folder na naglalaman ng mga pinagpuyatan kong activity nila.



Mabilis na kinuha nila sa kamay ko yung mga folder, napayuko ako at inayos yung pagkakasukbit na bag ko. Inayos ko din yung salamin kong dumausdos.



"Ayos to nerd!"



Naramdaman ko ang pagtapik tapik sa balikat ko nung isa sa kanila.



"Sa susunod ulit." Sabi nito at nagtawanan silang tatlo, napaatras pa ako ng itulak ng isa sa kanila ang balikat ko. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad sa kabilang direksyon paalis sa lugar.



Habang naglalakad ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya mabilis ko yun kinuha, may text dun si Devi at hinahanap niya ako. Nagsend ako ng text sa kanya na magkita nalang kami sa ground.



Paliko na ako ng makasalubong ko si Bea na kaibigan ni Devi, napahinto ako sa paglalakad at ganon din siya. Tipid niya akong nginitian kaya sinuklian ko din ito ng ngiti kahit na nahihiya ako.



Humakbang ito palapit sa akin hanggang sa magkaharap na kami, inayos niya ang shoulder bag niya bago tumingin ng daretso sa akin.



"Hi Chip." Mahinhin na bati niya.



"H-hi din Bea." Nahihiyang bati ko pabalik at bahagyang napayuko. Naalala ko tuloy yung nangyari noong isang linggo. Umangat ulit yung tingin ko sa kanya.



"Ahm.."



"Bea, kamusta ka? Ang ibig kong sabihin, ayos na ba kayo ng mga kaibigan mo kasi diba, yung kay Gia." Nahihiyang sabi ko. Tipid naman siyang ngumiti sa akin.



"Okay naman na, were mouring pero hindi kami tumitigil sa paghahanap sa gumawa nun kay Gia." Tumango tango naman ako, mukha nga na malungkot pa ito.



"Ah, condolence pala. Sige, mauna na ko ah." Paalam ko. Nagsimula na akong humakbang at malalagpasan ko na siya ng pigilin niya ang kamay ko.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon