CHAPTER 4

3.1K 71 3
                                    

CHAPTER 4


Napaigtad ako ng marinig ang padabog na pagbaba ni Devi ng hawak na kutsara, kunot ang noo akong nakatingin sa kanya. Aburido ang mukha nito, nandito kami sa cafeteria ngayon para mananghalian.



"M-may problema ba?" Bumaling naman ito sa akin at simangot pa din ang mukha niya.



"Chip nakakainis kana ah, isang linggo kanang ganyan. Is this because of Bea?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.



"Ano bang.."



"Palagi ka nalang tahimik tapos tulala, hindi mo na ko kinakausap kapag magkasama tayo. Kung kakausapin mo ko tipid na tipid ka sa salita, what is happening to you?" Napatitig ako sa kanya, mukha ngang galit ito sa akin. Napabuntong hininga ako.



"S-sorry Devi, may iniisip lang ako." Nakayukong sabi ko.



"Si Bea?"



Napatingin ako sa kamay niyang nakakuyom na nasa ibabaw ng lamesa, umangat ang tingin ko sa kanya at titig na titig ito sa akin. Tinitigan ko siya sa mata at tumango, napabuga siya ng hininga at napaiwas ng tingin sa akin.



Napaawang ang labi ko ng makita ang nangingilid na luha sa mata niya, mabilis kong sinapo ang mukha niya at iniharap iyon sa akin.



"Hey, Devi?"



"Chip, tell me the truth. Gusto mo ba si Bea? Bakit palagi mo siyang iniisip, ako ang girlfriend mo dapat ako lang ang iniisip mo. Ako lang!" Tuluyan na bumagsak ang luha sa mata niya na mabilis ko naman tinuyo. Mabuti nalang at nasa bandang dulo kami ng cafeteria kaya hindi masyado pansinin.



"Shhh. Wag kana umiyak Devi, I'm sorry." Niyakap ko siya at hinaplos ang ulo niya, nakakaramdam nanaman siya ng selos at hindi ko naman sinasadyang maramdaman niya yun.


"Mahal mo pa ba talaga ko Chip? Bakit laging si Bea ang iniisip mo?" Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.


"Mahal na mahal kita Devi, wag mo naman pagdudahan yon. Kaya ko lang naman naiisip yung nangyaring pagpapakamatay ni Bea dahil pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit niya nagawa yun."



Kumalas siya ng yakap sa akin, naguguluhan siyang tumingin sa akin.


"What do you mean?"


"Bago siya mamatay ay nagtapat siya sa akin na may gusto siya sa akin, tinanggihan ko siya at sinabi kong mahal kita. Pakiramdam ko dahil don kaya niya yun nagawa, hindi ko alam Devi pero nakakaramdam ako ng guilt."



Sumeryoso yung tingin niya sa akin, hinawakan niya yung kamay ko at bumaba don ang tingin niya.



"Ako lang diba?" Mahinang sabi niya, tumango ako at pinisil ang kamay niya.


"Ikaw lang Devi."



Matapos namin kumain ay sabay kaming naglakad palabas, habang naglalakad ay nakuha ang atensyon namin sa isang table na nagtatawanan.



Nakita ko don yung apat na lalaking varsity player ng soccer team, ang isa sa kanila ay napatingin kay Devi, ngingisi ngisi itong tignan ang katabi ko. Bumaling ako kay Devi na nakatingin din ng masama sa mga ito.


Hinawakan niya ang kamay ko, hinila at mabilis na naglakad palabas don. Napatitig ako sa likod ni Devi, kilala niya ba yung mga yon?



Hinatid ko siya sa klase niya bago ako bumalik sa klase ko na magsisimula na, habang naglalakad ay may naramdaman akong kamay na nakaakbay sa akin, pag angat ko ng tingin ay si Austine pala yon.


"Yow nerd."



Nakangisi ito sa akin, tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad kahit na nakaakbay pa din ang isa niyang kamay sa akin.


"Teka muna, papasok kana ba? Hihingi kasi sana ko ng tulong sayo." Napaangat ang tingin ko sa kanya.


"A-anong tulong?" Ngumisi nanaman ito sa akin na nagbigay ng nakakakilabot na pakiramdam.


"Basta!" Gamit ang kamay niyang nakaakbay sa akin ay hinila niya ako papunta sa ibang direksyon.


Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kaba, napalunok ako ng makitang papunta kami sa pinakadulo ng university kung saan matatagpuan ang lumang fashion club room na wala na masyadong nagpupunta dahil sa loob non pinatay ang dating president ng club na iyon, inabanduna na iyon matapos ng krimen.


Napalingon ako sa pinanggalingan namin, ang layo na ng nalakad namin at wala na ako masyadong makitang mga istudyante. Kinakabahan na talaga ako.


"A-austine, ano bang—"


"Shh! Wag nga maingay baka tapusin kita agad." Nagsitayuan ang balahibo ko ng marinig ang sinabi niya, mas lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin at naiipit na ng braso niya ang leeg ko.


"Ah!"


"Manahimik ka nerd ah!" Napahawak ako sa braso niyang sumasakal sa leeg ko, ngumisi siya sa akin at niluwagan iyon. Naramdaman ko nalang ang pagtulak niya sa akin ng makarating kami sa lumang fashion club room.


Kinilabutan agad ako ng tignan ang loob ng silid, madilim dun tanging ang liwanag lang sa labas ang nagsisilbing ilaw pero agad din nawala ng isarado ni Austine ang pinto.


"A-anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses ko at muntik pa iyon pumiyok, nakarinig ako ng mga yabag. Hindi lang isa, madami ibig sabihin ay hindi lang si Austine ang nandito.


"Chip!"


"Nerd!"


Napaigtad ako ng marinig ang mga nakakakilabot na tawa, nakakarinig din ako ng boses ng babae. Pinilit ko maaninag sila sa dilim pero bigo ako. Sobrang dilim at wala akong makita na kahit na ano.


"S-sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin? Austine anong ibig sabihin nito?" Malalakas na tawanan lang ang isinagot sa akin ng mga ito.


Napalingon lingon ako kung saan nanggagaling ang mga boses, kumakapa din ako pero wala pa din akong nakikita o nahahawakan na kahit na ano.


Napapikit ako ng biglang may bumukas na ilaw sa itaas ko, ilang segundo lang ay minulat ko na din ang mata ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid, puro lumang gamit at mga lumang tela ang nakakalat sa paligid.


Napabaling ako sa dulong bahagi ng silid, napaawang ang labi ko ng makita don sila Austine kasama niya si Wilson at Roxan.


"B-bakit niyo ko dinala dito?" Inayos ko yung salamin ko habang nakatingin pa din sa kanilang tatlo. Nakita kong bumaba sa pagkakaupo sa lumang desk si Roxan at naglakad papunta sa akin, napaatras ako ng makita ang dala dala niyang bakal na baseball bat na ang dulo ay nakasayad sa sahig kaya nakakagawa iyon ng ingay.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon