Chapter 10

11K 393 42
                                    

5 years later

MARIEYAH

NAGTAYO ako ng coffee shop dito sa Bonifacio Global City. Natapos ko ang Business Management. Laking tuwa ni Tatay at Nanay noon nang maka-graduate ako. Pinagbuti ko ang pag-aaral ko dahil gusto kong maging proud ang pamilya ko sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil nagtapos akong Magna Cum Laude.

Pagka-graduate ko noon nagpasya akong magtayo ng maliit na coffee shop. Sa una nahirapan akong kumuha ng puwesto dahil may kamahalan. Naghanap muna ako ng lugar kung saan madami ang mga tao. Sa kapihan ni Tatay ako kumukuha ng product ko. Iyon ang isa sa business ng mga magulang ko. May malawak kaming taniman ng kape. Imbes na sa iba ako kumuha bakit hindi ang produkto namin ang kunin ko?

Napangiti ako dahil nakikita ko ang pinaghirapan ko. Nagkaroon ako ng isa pang branch dito sa Bonifacio Global. Puro mga mayayaman ang nagpupunta dito. At ang isa pang branch ko sa Malate Manila. Puro naman mga estudyante ang mga suki ko doon.

"Ma'am Marieyah, may naghahanap po sa inyo," sabi ng staff ko.

"Pakisabi lalabas na ako. Ayusin ko lang muna saglit itong papales," sabi ko. Tumango ito at lumabas ng opisina ko. Inayos ko ang mga folder na naglalaman ng sales namin nitong buwan. Natutuwa ako dahil tumataas ang sales namin.

Inayos ko ang skirt. Nasanay na akong magsuot ng kita ang tuhod. Kung dati manang magdamit ngayon hindi na. Keribels ko na maging confident sa sarili. Napangiti ako ng makita ko ang kaibigan slash kababata kong si Jake.

"Bakla!" tili ko nang makita ko siya. Buti wala pang mga tao kaya okay lang tumili. Nagyakapan kaming dalawa. Ang pogi niya at ang macho pero bakla naman ang gaga.

"Marieyah, na-miss kita, baks!" nagbeso kami.

"It's been what 10 years? Oh my god! Isang dekada na. Nagkaroon na ng evolution diyan sa body mo, ibang-ibang ka na. Kung noon isa ka lang halamang gubat ngayon isa ka ng bulaklak na nabibili sa dangwa,"sabay tawa nito. Hinampas ko siya sa dibdib. Parang gusto ko siyang sungalngalan ng tasa ng kape para manahimik siya. Char.

"Grabe ka kung  makaapi sa kagandahan ko. Sapakin ko kaya iyang itlog mo para mawasak at tadyakan ko kaya ang ngala-ngala mo nang hindi ka na makalalaki," nagkatawanan kaming dalawa.

"Huy, bhe, na-miss talaga kita. walang halong biro," napanguso ito. Pogi sana ito kaso bakla ang walanghiya.

"Wow, maka-miss sa akin. Baka na-miss mo lang akong apihin," sabi ko. Isa sa nambu-bully sa akin ang baklang ito dati. Pero naging malapit kaming magkaibigan ng iligtas ko siya. Pinagtulungan kasi siyang sapakin ng babaeng inagawan niya ng syota. Ang landi kasi. Ako ang hinarang niya sa babae. Buti na lamang matapang ang lola niyo. Apo kasi ako ni Gabriela Silang. Ang babaeng hindi paaapi.

"Oh by the way, invite sana kita sa isang event. Mga sundalo ang dadalo dito. I think Philippine Navy. Dali na punta ka madaming mga fafa doon!" tili ng beklash.

"Eh, kailan ba ang event na yan? Check ko ang schedule ko," sabi ko.

"Sa Saturday na gaga. Gabi naman ang event na iyon. Bakit 24 hours ba bukas ang coffee shop mo? Ano iyon 7eleven lang ang peg?" napaiiling talaga ako sa beklash na ito.

"Sikmuraan kaya kita diyan makita mo." Tumawa lang ang bakla. Totoo ang sinabi ko gusto ko siyang sikmuraan.

"Hindi ka pa din nagbabago. Mabiro ka pa din," sabi ni bakla

"Hindi ako nagbibiro. Gusto na kitang sikmuraan," natawa ako ng nakakaloko. Hahampasin niya sana ako ng itaas ko ang umuusok na coffee na hawak ko. Namutla ang bakla at saka napalunok.

"Cheers!" sabi ko at saka ako tumawa labas ngala-ngala. 

*******

"Okay na ba itong suot ko Daphne?" tanong ko sa pinsan kong kasama ko din pupunta sa event.

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now