CHP45: FINALE

2.2K 39 10
                                    

"I am no longer just your idol.. I am now your husband you can depend on.."

--
/DASURI/

"Ask me anything," mga salitang nakapagpakabog sa dibdib ko. Huminga muna ko nang malamim at saka matapang na nagtanong

"L.joe.. 'yung araw na nagusap tayong magkikita sa airport. 'Yung araw na dapat sabay tayong lilipad papuntang Canada. B-Bakit... Bakit hindi ka sumulpot?"

"Dahil ba narealized mo na h-hindi mo na ko mahal?"

Sumeryoso ang mukha nito at tumitig sa akin. Bakit ganto? Bakit hanggang ngayon. Sumisikip parin ang dibdib ko sa tuwing tititigan nya ang mga mata ko.

"You're wrong. I didn't showed up because.."

"I fvcking love you.."

I gasped for air nang marinig ang naging sagot nya. I felt so happy and guilt at the same time. Masaya kong marinig kung gaano ko kaimportante sa buhay nya, na handa syang masaktan para lang sa ikaliligaya ko. Pero kahit ganon, nagi-guilty din ako dahil wala kong pwedeng gawin para ibalik 'yon.

"Why are you crying? Are you being sorry?" hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Sinubukan kong punasan 'yung mga 'yon pero patuloy lang ito sa pagbagsak.

"Please don't..." bahagya syang lumapit sa akin para punasan na rin ang mga iyon. "When I fall for you, I never expect that you will love me back. I just wanted to show you what I really feel and I'm very thankful that you had given me a chance to do it. Loving you is my own choice..."

"But I did love you.." I blurted out. Bahagyang natigilan si L.joe. Napatitig ito sa akin bago bahagyang ngumiti.

"I know," halos pabulong nyang pahayag. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon nang mahigpit. "But you love him more.."

_ _
/KAI/

"Sir, sigurado ka na po ba sa desisyon mong iyan?" nakatayo sa harap ko ang secretary kong si Ms. Jung. Iniaabot ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng isang importanteng dokumento.

"Oo, ilang gabi ko nang pinag-isipan ang bagay na iyan. And I think this is the best thing to do." Napabuntong-hininga na lang ito habang nakatitig sa akin.

"Mukha namang kahit anong sabihin ko'y hindi na magbabago ang desisyon nyo. Kung ganon pa man, maari pa rin naman kayong bumalik kung kailan nyo naisin." Bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"Hindi ka talaga madaling sumuko Ms. Jung. I like that." Napangiti na lang din sya sa nang marinig 'yon. "Pero gaya nga nang sabi ko. Nakapagdesisyon na ko. Maayos na rin naman na ang kumpanya at nakahanap na ko nang maaring makapagtiwalaan rito."

"Malaki ang tiwala ko sa'yo, Secretary Jung, I mean, President Jung."

One month ago, kinontak akong muli ni Jin noona. Ibinalita nya sa akin ang paglabas ng ilang mga kamyembro ko sa army at planong pagbubuo muli ng grupo. She asked me if I still want to be part of the group. Nung una hindi agad ako nakasagot. Humingi pa ako nang panahon para makapag-isip-isip. Siguro dahil na rin sa mga responsibilidad na nakaatang na sa akin. Ang kumpanya pati na rin ang pamilya ko. Si Dasuri at ang anak naming si Tae oh.

Inisip kong mabuti kung tama bang piliin ko ulit 'yung landas na tinahak ko noon? O ipagpatuloy na lang itong bagong landas na tinatahak ko? Naguguluhan talaga ko sa dapat kong piliin pero ang talagang nakatulong sa akin sa pagdedesisyon ay ang sinabi ng asawa ko.

"Alam mo kahit ano namang piliin mo hindi ako nangangamba na pababayaan mo kami ni Tae oh. Alam ko naman kasi kung gaano kami kaimportante sa buhay mo. Kaya nga sana, kung ako ang tatanungin? Mas gusto kong makita kang ginagawa ang bagay na gusto mo kaysa sa bagay na kailangan mo lang gawin. Hindi naman kasi 'yon pagiging selfish. Nagpapakatotoo ka lang. Saka isa pa, asawa mo ko Kai. Handa kitang suportahan sa kahit anong landas ang gusto mong tahakin. Wag kang matakot. Dahil hanggang sa dulo nandito lang ako sa tabi mo."

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon