Kabanata 17.

43.8K 1K 80
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Isang malakas na pag hagpas ang ginawa nito sa mesa na nasa pagitan naming dalawa. Hindi ako makapag salita sa takot na nararamdaman ng mga oras na 'yon dahil sa pagbalik nito sa dating siya.

"Wag mong antaying makagawa ako ng hindi maganda." Paos parin ang kanyang tinig na nginginig sa galit.

"F-Fabio mali ang iniisip mo." Pilit kong pinapakalma ito.

Sinuklay nito gamit ang kamay ang sariling buhok. Sa galit ay pinag susuntok ang pader na nag sanhi ng pagdudugo ng kanyang kamao.

"Fabio!" Pinilit ko itong pigilan ngunit bigo ako. Parang wala siyang nadidinig at kinain na ng galit. Naramdaman ko nalang ang init ng aking luha na lumandas sa'king pisngi. Hindi ko kayang makita siya sa ganoong sitwasyon.

Huminto ito at sinamaan ako ng tingin. Unti unti itong lumapit sa'kin kung kaya't napaatras ako. Labis labis ang kabang nararamdaman dahil sa takot. Hindi siya ang Fabio na mahal ko.

Galit, galit lamang ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang kontrolin ito. Patuloy siya sa pag lapit habang ako naman ay patuloy rin sa pag layo. Natatakot ako kung ano ang kaya niyang gawin sa'kin.

"Huminahon ka." Nanginginig ang buo kong pagkatao. Hindi ko lubos maisip kung ano pa ang mangyayare sa susunod. Bigo akong pakalmahin ito. Tila ba wala siyang pakialam sa taong nasa kanyang harapan at nag mamakaawa.

Nakakuyom ang kanyang dalawang kamao at nanginginig ito sa galit. Napasandal ako sa pader ng wala ng magawa.

"Fabio natatakot ako tama na!" Napasigaw ako nang bigla niya akong idiin sa pader gamit ang malakas na mga kamay. Napapikit sa sakit ng kanyang karahasan.

Hinawakan niya ang kwelyo ng aking damit at napadilat ako sa gulat ng mapunit ito. Hindi ako makagalaw sa kaba. Tuluyan na ngang naglabasan ang aking mga luha dahil sa ginagawa niya.

Natigil ito.

Natigil siya nang makita ang naging bunga ng kanyang galit. Nanginginig ang mga tuhod ko sa labis na takot at hindi na nagawang tumingin pa sa kanya. Punit ang pang itaas kong damit at siya ang may gawa nito. Niyakap ko ang aking sarili habang umiiyak.

"A-Alena." Kumalma ang boses nito. Hindi ko siya nagawang lingunin dahil mas nananaig ang takot ko. Takot na baka saktan niya ako ng tuluyan. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at nag dulot 'yon ng matinding trauma sa akin kung kaya't mabilis akong umiwas. Kaagad kong tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa'akin at pilit na umiiwas.

Hindi na nagawa pang huminto ng aking mga luha. Hindi ko kilala ang Fabio na nakita ko kanina. Hindi ko siya kilala dahil para itong demonyo kung magalit. Ibang ibang tao ito.

"Alena." Pilit niya akong inaabot ngunit kaagad ko itong iniiwasan. Ayokong mahawakan ako ng kanyang mga kamay na may bahid ng galit. Bahid ng dugo.

"I'm sorry for scaring you. Hindi ko sinasadya." Pilit niya parin akong inihaharap sa gawi niya. Hindi ko siya kayang harapin sa ngayon dahil mas nananaig ang aking takot para dito.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon