Perverted Goddess

403 20 28
                                    

Perverted Goddess by LOVEISPOISON_SEPHINA

Critique language: Filipino-English
Date posted: 21st February, 2019

Warning: You may or may not like what you are about to read. Nonetheless, I don't give a flying fig about it. Not only once did I warn you. Sorry, not sorry.

+++

Nakakaiyak ang kwento. Promise! Maiiyak ka talaga sa sobrang dami ng plot holes.

If you like reading books with light mood, you can try and read Perverted Goddess. Kung ang dahilan kaya ka nagbabasa sa Wattpad ay para mawala ang stress mo, pwede na ang story na 'yan. However, I don't think anyone with matured minds would enjoy this.

Ako mismo hindi alam kung matatawa ba ako o maiinis kasi, isipin mo ha, dyosa ang bida, dyosa sya tapos napaka-childish niya. At ang babaw pa ng problema niya. Well, malamang gano'n talaga kasi light lang naman ang kwento.

Sa prologue, ipinakita doon na mayroong nilalabanang halimaw si Sehina. Mamamatay na sana sya dahil hindi gumana ang shield niya nang biglang nag-decide ang author na mag-switch ng point of view na hindi man lang ininform ang readers. From first person to third person. Ang malala pa, isang paragraph lang yun. Back to first person na ulit pagkatapos.

Tanong ko lang: WHY????!!! Why can't authors stick to one point of view? Consistency is key to everything. Changing of point of view is distracting for the readers. Sana, third person's POV na lang ang ginamit ng author sa buong prologue.

Another thing, Sehina was super affected by Kin who looks like her ex. 'Yun ang nakikita kong confict sa kwento. Kailangang akitin ni Sehina si Kin bilang pagsubok, at hindi pa sana sya papayag no'ng una.

Really? Dahil lang kamukha, big deal agad? So ano yun, sa mukha siya na in love, ganon? Totoo, hindi maiiwasang maalala niya ang kanyang ex dahil magkahawig sila, e pano kung magkaiba naman ang ugali?

I don't get it. You can't possible fall in love with someone because of his/her face. If you did, it's not love, it's kalandian.

Isa pang dahilan kaya ko nasasabing pambata ang kwentong 'to: K-popper si Sehina.

I know, K-pop music is good and all. Pero huwag nyo namang dalhin 'yan sa mga nobelang sinusulat n'yo. Alisin n'yo lahat ng wala namang kinalaman sa daloy ng kwento. Kung K-popper si author, huwag niya namang idamay ang character niya. Besides, wala ding kwenta ang detail na 'yon para sa plot or character development.

Ito pa isa ha.

Nang mag-usap si Sehina at Haring Ulap, na-mention ni Sehina ang mga salitang 'day off' kaya kumunot ang noo ng Hari dahil 'di siya naintindihan.

Like, what the fuck? Dyos, tapos hindi marunong mag-English? Anong kalokohan 'to? Last time I checked, gods and goddesses have abilities that humans doesn't have. Mas angat ang mga dyos at dyosa, so paanong ang simpleng language of communication ng mga tao ay hindi niya alam?

O baka naman hindi Dyos si Haring Ulap? So paano siya naging hari? Ano ang kwenta niya kung mas makapangyarihan naman ang sakop niya, which is mga dyos at dyosa?

And here's more!

‘Hindi ko naman ibibigay ang pagkababae ko, 'no. May dignidad pa ako.’ —Sehina.

Ah, so parang tao lang din na may virginity churva, ganon? Kaya ayokong magbasa ng mga kwentong may gods and goddesses concept e. Kadalasan kasi sa mga nagsusulat nito, 'di talaga alam ang ginagawa nila. Sulat lang nang sulat, 'di naman nagfa-fact check. Kahit fiction 'to, dapat realistic pa rin tayo.

‘Kumilos ka tulad ng binibini. Mahinhin at parang dalagang Pilipina.’ —Antlia

Piste! 'Yoko na! Bakit ganyan? Hindi naman sila tao kaya bakit?????!!!! Ang title nilang 'Dyosa' ay hanggang pangalan na lang ba talaga? Bakit hindi sila in-character?

Ito pa! Ito pa!

Napaka-freaking perfect ni Sehina, according sa description niya sa sarili.

Ang sakit naman nito sa puso! Ganyan sya ka-powerful pero ang asal niya parang ordinaryong tao lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang sakit naman nito sa puso! Ganyan sya ka-powerful pero ang asal niya parang ordinaryong tao lang. Specifically, teenager na atat sa sex.

Sinong kausap mo, dzai? Ba't ka naghe-hello there? Nakalimutan ata ng author na ang lahat ng monologue ng characters ay nasa isip lang niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinong kausap mo, dzai? Ba't ka naghe-hello there? Nakalimutan ata ng author na ang lahat ng monologue ng characters ay nasa isip lang niya. Hindi siya aware na character lang sya sa isang fiction story. So by saying hello in the monologue, it means two things: sinira niya ang fourth wall, at baliw na siya para batiin ang sarili niya.

For the book cover, okay naman. Desenteng tingnan. Kaya lang, hindi nito nire-represent ang overall theme ng story. Parang 'tulad lang sya ng ibang covers. Walang uniqueness. Pero ayos na rin 'yan. Hindi rin naman unique ang kwento.

Mas maganda rin sana ang title na Dyosang Manyak since humorous naman ang kwento. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya pinalitan pa 'yan ng author.

Sa chapter 13 ay natapos na niya ang kanyang mission. Because of that, I couldn't find any reason to read further. Kasi tapos na. Para sa akin, may resolution na. According to the blurb, that is what the story is all about—whether Sehina would succeed in seducing Kin or not.

Then matagal na rin namang ni-reveal na mahal din ni Kin si Sehina. So 'yun. Finish na. Wala nang kwenta ang sumunod na mga chapters kasi wala na ring na-introduce na bagong conflict. Kung mayroon man, masyadong matagal bago 'yun lumabas.

Overall, hindi ako natuwa habang nagbabasa. Kasi, isipin mo, sino ba ang mag-eenjoy sa isang kwentong may characters na alam mong mas matalino ka kesa sa kanila?

+++

Siren's message:

LOVEISPOISON_SEPHINA, maganda actually ang story line. Kailangan lang talagang ayusin lahat ng plot holes. Marami-rami rin ang ie-edit at ire-revise mo. Kung mahal mo talaga ang pagsusulat, I'm sure magagawa mo 'yan.

t r u t h   s l a p  | critique shop [temp. closed]Where stories live. Discover now