CHAPTER 8

2.7K 55 4
                                    

CHAPTER 8


Nasa kwarto ako ngayon at nakaharap sa computer, lumang modelo na ito pero pinagtyatyagaan ko nalang.


Tinignan ko yung social media account ni Drey Corpuz para alamin kung saang university na ito lumipat pero bigo ako dahil nakaprivate ang profile nito.


Napasandal ako sa upuan at hinubad ang suot na salamin tapos ay hinilot ko ang sintido. Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa lamesa, sinuot ko ulit ang salamin at inabot yung cellphone.


Kinonekta ko sa computer yung cellphone at inupload ang bagong kuha kong picture, pinalitan ko yung profile picture ko na nakasalamin at mukhang tingting na ako. Pinalitan ko iyon ng half body picture na nakatopless ako habang nakaharap sa salamin.


Wala pang limang minuto ay napangiti ako ng sunod sunod ang pagpop up ng notification ganun din and friend request.


Lahat ng nakita kong sa tingin ko ay nag-aaral sa Hudson ay inaccept ko, mamaya pa ay natigilan ako ng makita ang Selene Vergara na nag-add sa akin. Hindi ko tinanggap ang request nito.


Habang nagtitingin sa newsfeed ay nakuha ang atensyon ko sa isang post ng kakaaccept ko lang na friend, napangisi ako ng makitang nakatag ito kay Drey Corpuz.


Wala pang isang minuto ng inupload iyon, kuha ang litrato sa entrance ng isang bar. Isang grupo sila sa picture at nandun si Drey Corpuz, napasandal ako sa upuan at napangisi.


Suot ang pantalon at itim na hoody ay lumabas ako ng bahay, sumakay ako sa jeep papunta sa bar kung nasaan sila Drey Corpuz.


Pagbaba ko ng jeep sa tapat ng bar ay inaayos ko ang pagkakasuot ng hood sa ulo ko, naglakad ako sa parking. Pinag aralan ko kung saan nakatutok ang mga CCTV cameras, habang nasa bulsa ng jacket ang mga kamay ay naglakad lakad ako sa parking area at hinanap ang kotse nito.


Alam ko ang model at plate number ng sasakyan nito dahil sinabi sa akin ni Devi iyon, napangiti ako ng makita iyon. Lumapit ako sa kotse na hindi ako mahahagip ng CCTV.


Yumuko at pumantay sa mga gulong ng kotse nito, tumingin muna ako sa paligid at siniguradong walang taong makakakita sa akin.


Nilabas ko ang dagger na nakaipit sa likod ko, inalis ko ang telang nakatakip don at malakas na sinaksak iyon sa gulong ng kotse. Nagpunta ako sa kabila at sinaksak din ang gulong don.Tinago ko ang dagger pagkatapos ko iyon gamitin, tumingin muna ako sa paligid bago umalis doon.


Habang naglalakad ay kinuha ko sa bulsa ng jacket na suot ko ang itim na face mask na dala ko, agad ko yun sinuot bago lumapit sa bata na nagtitinda ng sigarilyo sa labas ng bar.


"Bata."


Napalingon agad sa akin ang batang lalaki, nilabas ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang picture ni Drey Corpuz.


"Bibigyan kita ng limang daan, sabihin mo sa lalaki na to. Napagtripan yung gulong ng kotse niya." Tinuro ko sa bata kung saan nakapwesto sila Drey na nasa labas lang ng bar.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon