CHAPTER 9

2.6K 47 0
                                    

CHAPTER 9


Nakatulala akong nakatitig sa nakahandusay na katawan ni papa, nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko.


Nang makauha iyon ay kaagad kong hinanap ang pangalan ni Devi sa contact, nababahiran na ng dugo galing sa kamay ko ang screen ng cellphone ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.


"Babe." Masigla ang boses ni Devi sa kabilang linya.


"D-devi.."


"Why? May problema ba?" Sa isang saglit ay nag-iba na agad ang tono nito, mababakasan ang pag-aalala sa boses niya.


"P-pumunta ka dito sa bahay, k-kailangan kita ngayon." Nanginginig pa din ang kamay ko, napatingin ako kay papa tapos ay napaiwas din kaagad.


Hindi ko na hinintay na sumagot si Devi at pinatay ko na agad ang tawag, napadaosdus ako at napaupo nalang sa sahig habang nakasandal ang likod sa pader.


Ipinatong ko sa tuhod ang kaliwang siko ko habang nakatukod ang kaliwang kamay sa noo ko, hindi ako makapaniwalang nagawa ko ito kay papa. Wala ako sa sarili kanina, nagdilim ang paningin ko dahil sa mga pinagsasabi niya at sa nalaman ko.


'Siya ang pumatay kay nanay, bagay lang sa kanya yan.'


Napapikit ako dahil sa isiping iyon, katulad na ko ni Devi. Dahil sa sama ng loob ay nakapatay ako, pinatay ko si papa.


Lumipas ang kalahating oras ay napaangat ako ng tingin ng marinig ang humahangos na boses ni Devi.


"Oh my god!"

Nahinto siya sa may hambana ng kusina at nakaawang ang labing nakatingin sa walang buhay na si papa, unti unting bumaling siya sa akin.


"D-devi.. N-napatay ko si papa.." Nag-umpisa nanamang umagos ang luha sa mata ko, mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Iniwasan niya din ang bangkay ni papa.Lumuhod siya sa harap ko at pinakatitigan ako, sinapo niya ang mukha ko. Hindi ko na mapigilang lumuha ng husto habang nakapikit.


"Shhh. Babe its okay, we will fix this. We need to clean this mess—"


"Devi—what the fuck!!"


Sabay kaming napalingon ni Devi, napaawang ang labi ko ng makita si Selene. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin kay papa tapos ay napabaling ito sa akin, bakas dito ang pagkagulat.


"Oh my gosh! Chip what did you do?!" Malakas na sabi nito, napalingon ako kay Devi na napalingon din sa akin. Nagtatanong ang mata ko sa kanya.


"B-bakit sinama mo siya?" Napakagat ito ng labi tapos ay hinawakan ulit ako sa mukha.


"I'm sorry babe, were together when you called me." Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napapikit.


Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon