17

26.5K 384 5
                                    

Chapter Seventeen
Annulment Papers

MATAPOS ANG TAGPONG iyon ay umuwi si Hunter na bigo. Naiwan akong mag-isa nang umalis na ang mga kaibigan ko matapos ang isa pang araw. Ganun din si kuya Gunther.

Nag-desisyon lang akong umuwi sa amin makalipas ang tatlong buwan kong pamamalagi doon. Hindi ko na muling nakita si Hunter maging noong bumalik ako. Bumisita ako sa mansion nila para mangamusta kila tita at tito pero wala akong Hunter na nakita.

Hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi na niya ako hinarap ulit o malulungkot ako dahil namimiss ko na siya o madidismaya dahil hindi man lang niya nagawang mangulit gaya ng mga ginawa ko noon upang magkabalikan kami. Baka hindi niya ako ganun kamahal.

Naging maganda ang pagbabakasyon ko sa rest house dahil nagawa ko ng mahalin at tanggapin muli ang sarili ko. Nagawa ko na ding patawarin ang sarili ko, si Hunter at maging si Mira. Narealize ko kasi na walang hahantungan at walang maidudulot na mabuti ang galit na meron ako sa kanilang dalawa.

Si Mira. Si Mira naman na hanggang ngayon ay wala na kaming balita dahil mula nang mangyari ang trahedya ay umalis pala siya at nagpakalayo-layo. Wala ni isa sa amin ang nagkaroon ng balita tungkol sa kaniya. Nalaman ko iyon nang bumisita ako sa mansion ng mga Monteverde at sinabi sa akin ni tita.

"Hoy, Gaea! Tulala ka na naman!", sigaw sa akin ni Kish.

"Ha?", tanong ko.

Umismid siya. "Ano bang iniisip mo? Dala mo ba talaga ang sarili mo nung bumalik ka o naiwan mo sa isla? Napapadalas ang pagkakatulala mo ha!"

Natawa ako. "Sorry. Hindi ko lang kasi inakala na wala ni isa man lang ang may balita tungkol kay Mira."

"Si Mira ba talaga 'yan? O si Hunter?", tukso ni Faith.

"Sira!", sabi kong binato si Faith ng nachos na napulot ko na mabilis niya namang nailagan. "Si Mira."

"Sus! Kung bakit ba naman kasi tinanggihan mo siya noong nakikiusap siya sa 'yong magka-ayos na kayo, ayan tuloy siya naman itong MIA ngayon."

"Tama si Faith. And wait, what if may magustuhan ng iba si Hunter? I mean, pagbalik niya dito may iba na siya?", sabi naman ni Page.

Nagkibit ako ng mga balita. "E 'di congrats sa kanila."

"Bitter!", sabay-sabay nilang sabi sa akin na tinawanan ko lang.

But, seriously? Kung mangyari man ang sinabi ni Page, syempre masasaktan ako. Mahal ko si Hunter at hindi ko alam kung matatanggap ko iyon. Basta basta siyang umalis na walang pasabi tapos babalik siya na may iba na? Aba, matindi!

"Hindi kaya tinatago nila si Hunter sa 'yo, Gaea? Baka ayaw na nila sa 'yo para sa kaniya", sabi ulit ni Faith.

"Kung anu-anong mga iniisip mo, Faith. Hindi ganun. Kung ayaw na nila sa akin para kay Hunter, hindi ba mas maganda kung sabihin nila sa akin kung nasaan siya para man lang makapag-usap kami ng maayos at nang matapos na namin ang kung anumang meron kami? I mean, para magkaroon man lang kami ng closure."

"Closure? Huh! Closure is a luxury. Not everyone can have it, Gaea", komento ni Kish. "At sabi nga nila, sometimes not having a closure is also a closure. Malay mo, kaya hindi na nagpaparamdam si Monteverde dahil the end na para sa inyo."

Tumango sina Faith at Page sa sinabi ni Kish pero hindi ko magawang tanggapin iyon.

"Sa tingin niyo ba.. kinalimutan na ako ni Hunter?", tanong kong nagpakurot sa puso ko.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon