Track 11: Resident Chikadora

3.3K 268 71
                                    


Nakalagpas na ako sa napost ko before. Finally! Ayan, bago na talaga 'to. Haha.


Melody's Point of View


"Hindi naman ako nainform na meron palang general meeting dito."

Tuluyan na ngang huminto si Ysabella at nagcross pa ng arms habang nagpapakasarcastic. Napansin ko lang, sobrang sarcastic niyang tao. Bakit kaya?

"Baka kasi hindi ka naman invited. Sasali ka na naman wala namang nag-aaya sa 'yo," bulong ni Ingrid pero halatang pinarinig din sa iba dahilan para magpigil ng ngiti si Venice at para sipain ko siya nang mahina para hindi mahalata ng iba.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Ysabella pero hindi natinag ang magaling kong bestfriend at tiningnan lang itong isa na para bang inip na inip na.

Wala talagang nagpapatinag dito sa dalawa. Parang any moment magsasabunutan at magkakalmutan na sila.

"Okay," palakpak ni Kelsey ng dalawang beses na naging dahilan para mapatingin si Ysabella sa kaniya. Ngumisi naman si Ingrid dahil for sure feeling niya panalo siya sa staring contest nila. "Let's leave and eat somewhere. Parang hindi ko na gusto mga pagkain dito kaya – "

"Bakit tayo aalis eh nandito na tayo? Nagugutom na ako. Aiden, Jarvis, umorder na kayo," utos ni Leo pero syempre hindi siya sinunod ng dalawa.

"Wala na tayong table. Sa iba na lang – "

"Joker ka, Kelsey. Anong tawag dito?" tawa ni Leo at pabirong pinisil ang pisngi ni Kelsey, umupo sa table for 4 na katabi namin saka tinanguan sila Dex. "Oi. Bilisan niyong kumain. Akala niyo naman kayo lang customer dito. Ang bagal ha. May mga naghihintay. Makiramdam naman kayo."

Ibinaba ni Dex ang inumin niya at saka itinagilid ng dalawang beses ang ulo at saka tiningnan si Leo. "Anong pakialam ko kung naghihintay kayo? Binayaran namin ang pagkain namin dito kaya uupo kami dito hanggang kailan namin gusto."

"Ay hala! Sobrang makasarili naman pala. Binayaran mo nga ang pagkain pero kung ubos na 'yan, ibig sabihin, oras na para umalis kayo kasi ubos na rin ang bayad niyo sa pagstay dito."

Sasagutin pa sana ni Dex si Leo pero naunahan na siya ni Ysabella at saka ako tinuro. "You heard him. You're done eating, right? Now leave."

"How about you leave instead?" turo sa kaniya ni Ingrid. "Bakit ka nga ba ulit nandito?"

"Malamang kasi kakain ako. Stupid."

"Joke ba 'yan? Sabihin mo naman para isipin ko kung tatawa ba ako o ano."

"Hindi 'yon joke. Seryoso ako. O ano?"

"Ay tanga. Sinagot naman. Ever heard of rhetorical questions?"

"Ingrid," Dex called para patigilin si Ingrid. Ingrid rolled her eyes but stopped talking nonetheless.

Lumaki naman ang ngiti ni Ysabella kasi tumahimik na ang kasagutan niya. Inulit niya ang ginawa niya kaninang pagturo sa akin. "You. Leave."

"No. They'll stay," ngiti ni Venice at umupo sa tapat ni Leo na katabi naman ng upuan ko. "Magkwekwentuhan pa kami."

Sinamantala na ulit ni Leo ang pagkakataon at tinuro si Dex at Chord. "Kayong dalawa, alis na. Shoo."

"Kanina ka pa ha," inis na sagot ni Dex at tumayo na.

Mabilis namang kumilos si Jarvis at hinawakan ang balikat ni Dex para pigilan siya sa kung ano man ang balak niyang gawin pero dahil sa ginawa niya ay tumayo na rin si Chord saka hinawakan ang braso niya. Hindi rin naman nanood lang si Aiden dahil mabilis din siyang tumayo para pigilan si Chord kung sakaling may gawin siyang hindi maganda.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon