#54: Don't Leave Me

550K 11.3K 1.5K
                                    

Dedicated sa kanya kasi po kinikilig ako sa 23:11. Tapos 11:11 ko pa to naipost kaya yan haha :) 

#HisGangsterPrincess

Medyo napaiyak ako sa chapter na ito kaya dapat kayo rin ha! 

Second to the last chapter na po ito. Yes, this is going to end. It's either this Month or early next month kaya abangan. Grabe ng sakit sa puso dahil malapit ng matapos pero masaya ako dahil alam kong naging successful ang good trip story ko haha. Thank you so much for the support and love :* 

As always may typo po  ito dahil tinamad akong magcheck hahaha. 

xxxMissyMariexxx

~*~

“I love you.” Sabi ko.

“I love you, too. My gangster Princess.” Sabi ni Tyler.

Napatingin kami sa tanawin namin habang ngumingiti.

“Ang ganda noh?” tanong ko habang tumitingin sa paglubog ng araw. Ang ganda ganda, may halo halong kulay ng kahel at dilaw.

“Yes, it’s beautiful.” Sabi niya.

Bigla akong napatingin kay Tyler at nagulat ako ng sa akin pala siya nakatingin. Ramdam ko ang pagakyat ng dugo ko sa mukha ko. Nagkatitigan kami pero una akong umiwas dahil nahihiya ako sa mala kamatis kong mukha.

“Hey, don’t be shy.” Sabi niya at hinawakan ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya.

“I love you.” Bigla niyang sabi.

Napangiti ako. Ramdam ko ang mga kulisap na nagpaparty sa tyan ko. Grabe hindi ko akalain na mararamdaman ko ang ganitong kilig sa katawan ko. Parang ang sarap kapag ganito ka araw araw, kinikilig. Iniisip ko pa lang ay parang mapapatay na ako sa kasiyahan.

Unti unting lumapit ang mukha ni Tyler at dahan dahang dinampi ang kayang labi sa akin. Bigla akong napangiti at napapikit. Ito siguro ang sinasabi nilang a kiss in a romantic sunset scene. Parang ang ganda sa pakiramdam na magkakaroon ka ng ganitong moment.

After we kissed he suddenly hugged me.

Nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga at bumulong.

“Sad to say my princess your prince charming just died.”

Biglang nanlaki ang mata ko at naitulak ang nakayakap sa akin. Nagulat ako ng ang mukha ni Trevor ang bumungad sa akin. Teka, nasaan si Tyler? Siya ang kasama ko rito! Lumingon ako sa paligid at kitang kita ng mata ko ng biglang binalot ng dilim ang magandang tanawin kanina. Wait, what is going on?

Hinarap ko si Trevor. Nakatututok na ang kanyang baril sa akin at handang handa na akong patayin. Napailing ako. This is not true. Panaginip lang lahat ito hindi ba?

“Good bye.” Sabi ni Trevor at biglang pinutok ang baril.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon