CHAPTER 10

2.6K 49 1
                                    

CHAPTER 10


Napalingon ako sa pinto ng marinig ang buzzer don, lumapit ako at sumilip muna sa peep hole.Kaagad ko naman binuksan iyon ng makita si Devi sa labas, mabilis itong pumasok sa loob at tinignan ang buong lugar.


"Eww. So cheap." Napailing ako sa sinabi niya tapos ay isinara ang pinto. Humarap ito sa akin at pinakatitigan ako.


"Where is she?"


Itinuro ko yung pinto ng kwarto gamit ang ulo ko, naglakad naman agad si Devi papunta don tapos ay sinundan siya.


Napahinto siya sa bukana ng pinto ng mabuksan niya iyon, titig na titig ito sa tulog na tulog na si nicole na hubad at lantad na lantad ang kalahati ng katawan nito. Lumingon siya sa akin na halata ang kalungkutan sa mukha.


"C-chip.."


Kumunot ang noo ko at mabilis na naglakad palapit sa kanya, sinapo ko ang mukha niya at tinitigan siya sa mukha.


"M-may nangyari sa inyo—"


"Hindi! Walang nangyari Devi, diba nangako ako sayo?" Napakagat ito ng labi at maya maya lang ay tumalim ang tingin nitong bumaling sa natutulog na babae sa kama.


"I think, I'll kill her too later—"


"No, Devi!" Ngumisi ito at inalis ang kamay kong nasa mukha niya, naglakad ito papasok ng kwarto.


Sumandal ako sa hambana ng pinto habang pinapanuod siya na naglabas ng maliit na kutsilyo mula sa bulsa ng suot niyang jacket. Lumapit ito sa kama at pinasadahan ng kutsilyo ang leeg ni Nicole pababa sa gitna ng dibdib nito pababa sa tiyan.


"Devi."


"I know, I know. Gawin lang nating kapanipaniwala to." Kasabay nun ay ang paghiwa ni Devi sa ibabaw ng dibdib ni Nicole dahilan para magdugo iyon, napailing nalang ako sa ginawa niya.


Tinignan ko si Nicole na tulog na tulog pa din, matindi pala ang epekto ng gamot na hinalo ko sa wine niya kanina.


"Tama na yan Devi."


Lumingon ito sa akin at nagkibit balikat, naglakad siya palapit sa akin. Sabay kaming napalingon ni Devi sa pinto ng marinig ang pagbuzz don, napangisi ako dahil isa nalang naman ang hinihintay naming kalaro ngayon.


"He's here." Nakangising sabi ni Devi, kaagad akong kumilos para patayin ang ilaw sa kwarto. Lumabas din ako sa sala para patayin ang ilaw don, tanging ang ilaw lang ng lamp shade sa kwarto ang nakabukas.


Naglakad ako sa gilid ng pinto kung saan matatakpan ito ng pinto kung sakaling bumukas iyon, napangisi ako ng makitang unti unting nagbukas na ang pintuan ng unit.


"Nicole?" Narinig ko ang yabag nitong papasok sa loob.


Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon