Volume 2 CH 22 Sinha Forest

2.3K 67 11
                                    

Zack's Pov


'Kingina naman hindi ko kayang tumunganga na lang dito!' bulalas ko sabay napatayo ako sa pagkakaupo dito sa kwarto ni Silver.

Nakakaasar kasi itong posas na nakalagay sa dalawang kamay namin. Kahit anong gawin ko hindi ko ito masirasira.

At hindi ako makalakad ng tuluyan dahil nakaupo pa si Silver at nilalabanan ang paglakad ko. Kaya tinignan ko sya ng masama.

'Wala bang way para matanggal ito? Peste kasi ang posas na yan e!' ani ko.

'May magic ang posas na ito at ayon kay Head master hindi sya matatanggal hanggang hindi tayo nakakaayos' sagot nito kaya lalo akong nainis.

'Aba gago pala naglagay nito e. Kahit kelan hindi ko kaya makipagayos sayo. Ngyon pa nga lang inis na inis na ko sa mukha mo' naasar kong wika at muling hinatak sya pero malakas ang loko at hindi nagpatalo. Damn it!

'The feeling is mutual Zack. Kung naiinis ka sakin. Mas double ang inis ko sayo. At pede ba tigilan mo ang kakagalaw mo sumisikip ang posas' rinig kong wika nya kaya sa sobrang inis ko ay hinitak ko lalo yun kamay ko dahilan para mapatayo sya.

'Aalis ako. Hindi ako mapapakaling nasa kamay ng mga tarantadong yun si Flat' sabi ko dito habang nakatingin ako ng masama sa kanya at ganon din ito.

'At san ka naman pupunta? Sa tingin mo ba kaya mong iligtas sya?' ani nito kaya napayukom ako ng aking kamao. Kung dila sisikip ang posas na ito pag sinaktan ko sya baka kanina pa dumudugo ang mukha nito sakin.

'Tigilan mo ko pabidang Silver. Kung hindi ko matatangal ang pesteng posas na ito sasama ka sakin o kakaladkarin kita papunta sa Xandu kingdom na yun' sabi ko

XXX

Raven's Pov


Pagmulat ng mata ko ay isang madilim na gubat ang sumalubong sakin.

Nasan ba ko? Unang tanong ko sa isip ko. Nilinga linga ko ang tingin ko sa paligid. Nakasalampak pala ako dito sa gubat.

Pero pano ako napunta dito? Ang huling alala ako ay yun dinala ako ni Crow sa kwarto nya at bigla akong nakatulog.

Isa pang napansin ko ay iba na yung suot kong damit. At may nakakapa rin akong dagger sa tagiliran ko.

Si Crow ba nagiwan sakin dito? Ito ba yun sina sabi nyang umalis na ko at bumalik sa Linford. Pero bakit nya ginawa yun? Pero kung ano man ang dahilan nya ay dapat na nga akong bumalik sa Linford mukha delikado dito sa gubat na ito.

Sa pagkakaalala ko kasi isa lang ang gubat na nagduduktong sa Arzena kingdom at Xandu Kingdom. At tinatawag nila itong sinha forest o fog cover forest. Nakakaligaw daw sa gubat na ito dahil sa makapal na hamog at maraming mababangis na hayop. Pero ito lang ang tanging mabilis na daan pabalik sa Linford.

Kaya dahan dahan akong tumayo ay inayos ang aking damit. Sa tyansa ko ay umaga na, kaelangan ko ng kumilos dahil bilang ang oras ko at  paggabi rito ay masyado ng delikado. Kaya nagsimula na kong maglalakad. Maingat ang bawat hakbang ko dahil hindi ko pede makuha ang atensyon ng mga mababangis na hayop na nandito.

Minsan naikwento na sakin ni Lolo Dino ang kagubatan na ito. Sikat ito dahil maraming naliligaw dito dahil sa makapal na hamog. Ang kwento sakin ni Lolo Dino ay muntik na raw silang maligaw sa gubat na ito mabuti na lang daw ay sinundan nila ang ilog o batis na nandito na nagdudugtong sa Olipo river na nasa likod ng kaharian ng Arzena.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon