Track 16: Believe in Yourself

3.6K 237 114
                                    


Melody's Point of View


I'm currently at our Vocal Studies class with Ingrid but I noticed how she's unusually quiet. I mean, sure, she's quiet most of the time but today she's like annoyed quiet rather than "quiet" quiet. Does this make any sense? Ah, I don't know.

Kung tahimik ang kasama ko, s'yempre mananahik din ako. Nakakabasa naman ako ng atmosphere. Halatang ayaw niya na kausapin siya ngayon.

For some reason, hindi rin nagpansinan si Dex at Ingrid nang magkita sila dito sa class. Kaklase din kasi namin si Dex along with Jarvis at kahit hindi kami madalas magtabi-tabi, usually naman ay nagpapansinan sila.

And speaking of Jarvis, kakarating lang niya at nang makita kami ay lumapit siya sa amin.

"Is everything okay?" concerned na tanong niya.

Knowing him, malamang naramdaman kaagad niya ang kakaibang atmosphere.

"I'm not so sure either," bulong ko sa kaniya. "Just don't talk to her kung gusto mong makita pa ang liwanag."

Tumango naman siya kaagad at inusad pa nang kaunti ang upuan palayo sa amin ni Ingrid dahilan para matawa ako.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang mentor namin.

Without wasting any time, she taught us about different techniques in singing and proper posture para mas macontrol namin ang breathing namin at hindi kapusin ng hangin while singing.

I may be in the Drama Department but since I love music very much, I took up some courses related to music which I'm sure will also help me in the future. That's why I'm here. And Ingrid. Because she loves music too.

"Let's do some singing exercises. Let's see how you can apply all the techniques I taught you since the start of the semester," sabi ng mentor namin.

Oh my God!

Nagtriple na naman ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. I may love music but I'm not confident with my voice. Isa pa, haharap na naman ako sa maraming tao. This time hindi lang para magsalita. Kakanta pa.

Oh my God.

Para namang naramdaman ni Jarvis ang nerbyos kaya mula sa panonood sa nasa unahan na nagpeperform ay lumingon siya sa akin.

Pinupunas ko ang kamay ko sa pantalon ko, isang habit sa tuwing kinakabahan ako, nang ngitian niya ako at guluhin ang buhok ko.

"Kinakabahan ako," reklamo ko sa kaniya.

"I know."

"Gusto ko ng umihi sa sobrang kaba."

"If it makes you feel better, isipin mo na lang na lahat naman tayo pupunta sa harap at kakanta."

"Kaya lang hindi naman tayong lahat magaling kumanta. Ikaw, magaling ka. Sila, magaling sila. Paano naman ang ibang kagaya ko na hindi? Syempre kakabahan kami."

"Try to enjoy while singing. In that way, we'll also feel what you're feeling. Kapag kinakabahan ka, mararamdaman namin. Kapag nag-eenjoy ka, mararamdaman din namin. I haven't heard you sing yet, but if you put your emotions and really enjoy the song, you'll do great."

Bago pa man ako makapagsalita ay tinawag na ang pangalan niya para magperform.

At as usual, tulala na naman karamihan sa amin dahil sa pagkanta ni Jarvis. Sobrang sarap talaga sa tenga pakinggan ng boses niya. Hindi nakakasawa.

Halatang masaya at mahal niya ang pagkanta kaya tumatagos sa amin ang pakiramdam na 'yon.

Hay. He's really so talented.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon