CHAPTER 11

2.6K 58 1
                                    

CHAPTER 11


Nang magkaroon ng free time dahil sa walang klase ang isang subject ay naupo ako sa concrete bench na nasa ground.


Habang nagbabasa ng libro ay napasulyap ako sa grupo ng mga kalalakihan na nakaupo sa katabing bench na inuupuan ko.


"Grabe talaga pare, hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Nicole."


"Siya pa naman ang paborito kong fuck buddy." Sabay sabay na nagtawanan ang mga lalaki dahil sa sinabi nito. Napailing at nag-iwas ako ng tingin sa kanila at bumalik sa pagbabasa.


"Pero mga pare, nakakatakot pala ang kayang gawin ni Nicole. Baka siya ang pumapatay sa university, baka pumatay nanaman siya, ngayon pa at hindi siya nahuli ng mga pulis sa pagpatay niya kay Drey."


Napaangat ako ng tingin at napaawang ang labi sa narinig, napahigpit ang hawak ko sa libro. Hindi pala ito nahuli ng mga pulis.


Mabilis kong inayos ang mga gamit ko, pagkasukbit ko ng bag ay kaagad akong naglakad papunta sa department building nila Devi.


Madami akong nakakasalubong kaya maya't maya ang iwas ko para hindi mabunggo ang mga ito, nang huminto ako sa tapat ng room nila Devi ay hindi ko masilip ang loob dahil nakasara pa ang pinto. Malamang nagkaklase pa ang mga ito.


Sumandal ako sa pader ng room nila, kailangan kong bantayan lagi si Devi.Ang buong akala ko ay nakulong na si Nicole dahil sa ginawa namin ni Devi para ito ang ituro sa pagpatay kay Drey pero mali pala ako, mali kami.


At noong nakaraan lang ay tumawag pa ito sa akin para pagbantaan ako, hindi ko mapigilang mapakuyom ng kamao. Subukan niya lang na saktan si Devi at hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. Alam niyang importante sa akin si Devi kaya ito ang pupuntiryahin niya.


Napalingon ako sa room ni Devi ng magbukas ito, napahinto pa ang professor ng makita ako. Tipid ko itong nginitian at bumati, tumango naman ito sa akin. Sumilip agad ako sa pinto ng magsilabasan na ang mga istudyante.


Kumunot ang noo ko ng ilang minuto na ay wala pang Devi na lumalabas, napalingon ako sa babaeng lumabas. Tumingin din ito sa akin at huminto sa paglalakad.


"Hi, looking for Devi?" Tumango ako sa tanong nito. "She didn't attend our last class."Lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi nito, panong hindi. Ako ang naghatid sa kanya dito sa room nila kanina.


"I'll go ahead." Paalam nito.


"Salamat." Tumango lang ito bago naglakad paalis, kumunot ang noo ko at mabilis na nilabas ang cellphone sa bulsa ng pants ko.Napakagat ako ng labi habang pinakikinggan ang pagriring ng cellphone ni Devi, bakit ayaw nito sagutin?


Marahas na napasuklay ako ng buhok dahil sa hindi pagsagot ni Devi ng kanyang cellphone, tinawagan ko pa ito ng ilang ulit pero hindi talaga nito sinasagot ang tawag.


"Kalma Chip, ayos lang si Devi." Pagpapakalma ko sa sarili.Tinago ko na ang cellphone sa bulsa ko at malalaki ang hakbang na naglakad pababa ng building at daredaretsong lumabas ng university.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon