Kabanata 22

848K 34.1K 17.6K
                                    

Kabanata 22

Monster

"Alisin n'yo ang bata!" I heard Manang Lupe shouting at some of the men who were holding me tightly.

Nang nakalapit si Manang Lupe sa akin ay agad niya akong hinatak palayo sa pangyayari. Nagwala habang humahagulhol, halos saktan ko ang sino mang nangangahas na alisin ako roon.

My brother is inside that car! He's driving and based on the wreck in front, wala akong ibang hiling kundi ang paggana ng teknolohiyang pangkaligtasan sa loob nito. And I just can't wait to see how is he. I don't want to leave even when they were all screaming for my removal on the scene.

Ang tanging nakapagpatigil sa hiyaw ko at nagpakalat ng lamig sa aking katawan ay ang pagdating ng ambulansya. Kasabay rin noon ang matagumpay na pagkakatanggal ng pintuan ng sasakyan. Nakita ko ang maingat at pagmamadaling ilapag ang duguang katawan ni Chantak sa isang stretcher at ang paglaylay ng kamay niya roon. Kitang-kita ko ang pagmamadali ng mga tao habang pilit akong hinihila palayo roon.

"Chayo, tara na," halos magmakaawa na si Manang Lupe.

"Manang si Kuya! Manang si Kuya!" I said almost hurting all the arms holding me.

"Chayo, tara na sa ospital-" and there goes the last drop of my strength. I saw my dear brother, covered with blood.

"Kuya..." I called softly with wide horrified eyes.

Mabilis na humarang ang mga tauhan na naroon. Nawala na sa tingin ko si Kuya at ang huling tanaw ko sa kanya ay ang kanyang walang kamalayan habang maingat na binubuhat, at ang mga daliring tinutuluan ng dugo.

Wala akong lakas sa loob ng sasakyan namin habang tinatanaw ang ospital sa bayan.Parehong hindi ko na puwedeng bisitahin si Mommy, Kuya Levi, o si Chantal. At kahit walang utos, posibleng hindi ko nga kakayaning bisitahin ang sinuman sa gabing iyon. Tulala ako at hindi makausap ng kahit nino.

"Chayo, uuwi na tayo, ha?" maingat na tanong ni Manang Lupe sa akin.

Ang iilang kasambahay na kasama sa sasakyan ay kanina pa ako tinatanong at binibigyan ng maiinom pero wala akong kibo. Wala rin akong kibo kay Manang Lupe. I was completely submissive to everyone around with my strength all gone and the trauma of watching my brother and Chantal covered in crimson blood.

To top that... my Mom was pronounced dead earlier that night! She's dead! My Mommy! Ni hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Our last trip in Bacolod, all the words she told me, those were my last memories of her.

Mommy is dead. I still couldn't accept it.

Mommy is dead.

Mommy is dead and she's not with us during her last moments.

Is she really? Pinaglalaruan ba ako ng mga tao?

Baka mali? Baka may ibang namatay at akala nila si Mommy 'yon?

Imposibleng patay na si Mommy! Mommy ko 'yon!

Then I couldn't stop my tears... is Mommy really dead?

Bakit kaya ayaw niyang kami ang makapiling sa huling hininga niya? It is easy to blame Daddy for her misery but I want to know why did she have to leave me and Kuya? We wanted to see her. We wanted to take care of her. We wanted to fight with her! Bakit hindi niya ibinigay sa amin ang pagkakataon na gawin iyon?

And then my brother... the sight of his hand with blood trickling on it seem to have made my mind its home.

My thoughts are on that strange loop. Balik sa simula hanggang sa kay Kuya Levi.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon