Kabanata 14

20.8K 638 145
                                    

Kabanata 14

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mag-goodnight kiss sa noo ko si Konsi. Akala ko awkward na kinabukasan pero wala naman. Cool pa din si Konsi. Parang wala lang sa kanya iyon. Kaya hindi na ako masyadong nag-isip. Pero ang totoo ay kinilig ako doon buong gabi. Ang kilig ko ay nag-cause ng malaki kong eyebags. Dahil napuyat ako.

Si Lucas naman ay madalas kong ka-text pero hindi na ulit nasundan ang paglabas namin. Busy yata siya sa gym niya. Kinikilig ako sa kanya pero iba pa rin ata ang kilig kapag si Konsi ang kalandian ko.

Ano daw? Anong kalandian Ariana?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang may humawak sa bewang ko at may dumaang motor sa harap ko. Nasa labas ako ng Village, kabababa ko lang ng jeep. Lumingon ako sa may-ari ng bisig na nakayakap sa akin.

Si Lucas.

"Muntik ka na dun." Nakanganga pa rin ako dahil sa gulat.

"Ah-ah salamat."

"Buti napadaan ako actually kanina pa kita nakitang nakatayo diyan kaya huminto ako at nilapitan ka. At sakto naman ang dating ko dahil muntik ka na mahagip nang motor na dumaan." Parang may himig pa ng pagyayabang ang boses niya.

"Salamat." Tipid na sagot ko.

"Pasaan ka ba?" Tanong ni Lucas sa akin.

"Pauwi na. Kabababa ko lang ng jeep." Sabi ko na ngumiti.

"Hatid na kita sa inyo." Magsasalita na sana ako kaso may bumusina. Paglingon ko ay may dalawang sasakyan. At alam ko kung kanino iyon.

Bumukas ang bintana ng ikalawang sasakyan, ang Fortuner ni Konsi. Sumilip ito sa bintana at ngumiti. Nawala lang ang ngiti nito nang mapabaling sa likod ko at tumango. Tama ba ang nakita ko? Tumalim ang titig niya? Pero muli iyong bumalik sa akin.

"Pauwi ka na ba Aria?" Nakangiting tanong niya. Pasagot na sana ako pero sumabat si Lucas.

"Magandang araw Councilor Zaragoza. Lucas nga pala." Inabot ni Lucas ang kamay kay Konsi, tinanggap naman ito ng huli.

"We've met at my grandma's party right?" Tanong ni Konsi.

Tumango naman si Lucas.

"Kaibigan ka ni Mamita?" Tanong ni Konsi.

"Yes, naging magkaibigan kami ni Mam Carmen. Pumupunta siya sa gym ko kapag naririto siya sa Batangas." Mahabang sagot ni Lucas.

"Masyado na tayong nakaharang dito. Care if I invite you at home for a dinner?" Nakangising tanong ni Konsi kay Lucas.

"It's an honor Councilor Zaragoza."

"Great!" Nakangiting sabi ni Konsi at bumaling sa'kin. "Hop-in Aria." Binuksan nito ang pinto. "Convoy ka na lang sa'min pare." Sumakay nga ako dahil nakakahiya naman na pinagbuksan pa ako ni Konsi.

Tumango naman si Lucas. At tumawid na sa nakaparada niyang owner type jeep.

"Kasama mo ba siyang umalis?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Konsi.

"Hindi." Napataas pa ata ang boses ko. Parang defensive. "Nakita niya lang ako bago pumasok sa Village."

"I see." Komento niya "Nililigawan ka ba n'un?" Napatingin ako kay Konsi dahil sa tanong na iyon.

"Naku Konsi, hindi." Kaibigan ko lang yon." Natatawang tanggi ko.

"Good." Yon lang ang narinig ko. Anong good? Pero hindi na ako nakareact dahil papasok na kami sa gate.

"Bisita ko yong nakasunod." Bilin niya sa gwardiya.

Nang makapasok kami ay sinalubomg kami ni Manang Fe, para kunin ang mga gamit.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon