9 ~ Hate

261K 7.5K 3.6K
                                    




CHAPTER NINE

"MAMA, Mama..." Mararahan na uyog sa braso ni Jess ang siyang pilit na nagpamulat sa kanyang mga mata.

Nakatunghay sa kanya si Atasha, tapos matamis siyang nginitian nang makitang gising na siya.

"Anak, morning."

"Moyning, Mama. Milk."

"Ohh," Nangiti siya at bumangon.

Nang tignan niya ang lalaking katabi ng anak ay napaangat ang isang kilay niya, unti-unti ang pagka-amuse.

Dwaye's sleeping peacefully on their bed. Parang siya ang nahihiya na madistorbo nila ang tulog nito. Nakadapa, ang mukha ay nakapaharap sa gawi nila, yakap ang unan sa uluhan.

His bedroom hair, his veined and muscled arms and his cute small snore, made her purse her lips to suppress at smile, ngunit hindi niya talaga maitago ang ngiti sa imaheng nasasaksihan.

She never witness this side of him before, staring at him freely at that moment only made her realized that he really have the looks that women can't resist, na kahit siya ay hindi nakatanggi, noon...at tila magpa hanggang ngayon.

Aminado siyang nahulog kay Dwaye, kahit anong pilit niya na huwag. Na hindi dapat siya ang lalaking pagbibigyan niya ng puso niya at lalo na nang sarili niya, pero, heto at sa huli, nangyari ang mga bagay na iniiwasan niya, at talagang nagbunga pa ng isang pang habang buhay na ala-ala mula sa unang lalaking minahal.

"Ang pogi ng boy-fend ko, Mama, di ba?" Si Atasha na pinagmamasdan din pala si Dwaye.

"Umm."

"Pero matigas po ang tiyan niya, Mama." Atasha paused for a seconds. "Peyo...masayap po i-hug ang ayms niya." Atasha caressed Dwaye's arm gently. "Look at his veins, Mama..."

Jess glance at Dwaye's veined forearm. Hitik ang mga ugat do'n, parang palaging galit, o marahil ay napwersa rin dahil sa madalas na pagbubuhat. It's looks very rough and dangerous, but she can't help herself but to fantasize in his arms.

She can even feel and imagine the time she was in his arms, na naging tahanan niya pansamantala nung mga oras na wala siyang ibang masandalan, kundi si Dwaye lang.

How come they end up like this? Paanong naging bato ang puso niya para sa lalaki? Bago niya pa masagot ang sariling tanong ay maagap na inalis niya ang kamay ng anak sa braso ni Dwaye nang gumalaw ito. Nagising.

"Morning..." Dwaye greeted using his bedroom voice. Damn, her heart is going wild early in the morning. Then he glance at her, he pursed his lips. "Morning, Jess."

"Moyning my boy-fend! How was your sleep in our bed?" Agresibong tanong ni Atasha, umupo sa kama, nasa kay Dwaye na naman ang atensyon.

"It was good, baby. Your bed is nice. How about you? Maayos ba ang tulog mo?"

Mabait na tumango ang anak. "Opo. Peyo..."

"Pero?" Nanantiya ang itsura ni Dwaye.

"Hmm, bakit matigas po ang tiyan mo? May bakal ba dyan my boy-fend?"

Napahigikhik siya sa turan ng anak, maging si Dwaye ay napahalakhak.

"Ahh, why do you have to be so cute, baby?" Parang natutunaw na sambit ni Dwaye. "Walang bakal sa tiyan ko."

"Bakit po matigas? Patingin..."

Walang sabi-sabi na curious na itinaas ni Atasha ang t-shirt ni Dwaye hanggang sa ibaba ng dibdib nito. His ripped hard muscles on his stomach made her rolled her eyes to herself.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon