Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams

61.6K 3.8K 641
                                    

ALAS-NUWEBE na noong umaga nang magising kaming dalawa ni Vincent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALAS-NUWEBE na noong umaga nang magising kaming dalawa ni Vincent. Well, ako lang pala dahil kanina pa gising itong si Vincent, hindi niya man lang ako ginising. Talaga namang walang pakialam sa akin itong kasama ko.

Ngayon napatunayan ko na hindi naman ganoon kasama si Vincent. I mean, wala na siya sa Merton Academy, pwedeng-pwede niya akong takasan lalo na't mas malakas siya sa akin... pero hindi niya ginagawa. Sinasamahan niya pa rin ako. Maybe, hindi lang talaga maganda ang experience niya sa mga tao noon lalo na't pinag-eksperimentuhan siya.

"Ang tagal mong magising, kanina pa ako nagugutom," reklamo ni Vincent habang nakaupo sa lobby ng hotel na aming tinulugan.

"Kung ginising mo ako, e'di sana ay kanina pa tayo nakakain at naging productive ang araw natin," sabi ko sa kanya.

"Ba't kita gigisingin? Hindi naman tayo magkaibigan." Bumaling ang tingin niya sa bintana at pinagmasdan ang view kung saan natatanaw ang taal lake.

"Parang ang sarap mag-bulalo ngayon, 'no?" Sabi ko sa kanya at tumingin siya muli sa akin. I read his mind, his really craving for that food. "Kakain tayo ng Bulalo, tawagin mo muna akong ate Jamie."

"H-ha?" He crossed his arms. "Manigas ka. Hindi kita tatawaging ate. We're not even sibling." Napangiti ako sa sinabi ni Vincent, somehow, naaalala kos a kanya ang kapatid ko. He's also rude and pakipot madalas.

"Tara na." Aya ko sa kanya. "Kuha lang ako saglit ng sweatshirt sa room ko ta's gora na tayo." Paalam ko at nagmadali muling bumalik sa kwarto ko.

***

ME and Vincent ate in a famous bulaluhan which is Bulalo Capital. Kitang-kita rin ang taal volcano sa puwesto namin. Ang chill ng ambiance ng lugar at tamang-tama rin ang mga pagkain namin sa lamig ng panahon.

"May idea ka na ba?" Biglang tanong sa akin ni Vincent habang humihigop ng sabaw ng Bulalo, halatang-halata na gusto niya ang lahat ng mga pagkain na nakahain sa lamesa.

"I know the exact address, sinabi sa akin ni Tom," kwento ko sa kanya. "We should finish the mission today, kailangan pa rin nating bumalik sa Merton Academy. Remember, kailangan nating i-celebrate ang birthday ni Teddy bear."

"You really love your friends, huh?" He said habang pasulyap-sulyap na tumitingin sa akin dahil busy siya sa pagkain niya ng bulalo.

"Sobra. They're like my second family. Alam mo, madalang lang ako makauwi sa bahay namin since I am living in a dorm. Pero kahit ganoon ay wala akong pagkukulang na nararamdaman. Ang dami na rin naming pinagdaanan sa Class zero. Siguro at first, may hindi pagkakaintindihan pero kahit na magkakaib--" naputol ang aking pagkukwento nung mapansin kong nakatingin sa akin si Vincent. "Ang daldal ko ba? Sorry, ha."

"Don't get too attached, Jamie. Walang permanente sa mga katulad nating glitches lang sa society. Kung gaano mo kalalim pinahahalagahan ang samahan ninyo, maniwala ka, ganoon din kalalim ang sakit na mararamdaman mo sa oras na may 'di magandang mangyari." Pagsasabi niya nang kanyang opinyon at napangiti ako. Alam kong concerned din itong si Vincent pero naniniwala ako na walang mangyaayring masama sa kahit sino sa amin sa Class zero.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon