Kabanata 43

23.1K 910 86
                                    

Kabanata 43

"How's your sleep, Natasha? Komportable ka ba sa tinutulugan mo?" Salubong sa akin ni Ma'am Sandra nang makaupo ako sa reserbang upuan sa tabi ni Axel.

"Opo, Ma'am." I nodded.

"That's good to hear." Matamis itong ngumiti. "After this, magpahinga agad kayo dahil bukas ay sasama kayo sa akin dahil may gagawin tayo."

"Kayo lang?" sabat ni Sir Jace.

Ngumisi si Ma'am Sandra at tumango. "Yes, hon. Di ba't pupunta ka sa Monte Resorts tomorrow? Isama mo na si Jared and Axel dahil may gagawin kami nila Kelly at Natasha bukas."

Tumango si Sir Jace. "Okay."

Medyo na a-awkward ako sa presensiya ni Sir Jace. Meron kasi siyang awra na sobrang maotoridad. Kahit na nakangiti, ramdam ko pa rin ang pagiging propesiyonal niya kaya medyo nakakailang.

"Natasha, here.." Ma'am Sandra handed me the shrimp. "Masarap 'to."

Nag-aalinlangan akong ngumiti. "S-salamat po..."

She smiled and continue eating. Tahimik lang ako sa hapag kainan habang sila ay nag-uusap tungkol sa kanilang negosyo.

"Anyway, Jared.." Nilunok muna ni Ma'am Sandra ang kanyang kinakain bago nagpatuloy. "Napag-usapan na natin ang tungkol sa kasal mo, hindi ba?"

Malamig siyang binalingan ni Sir Jared. "I already declined that, right? Stop manipulating my life."

"Jared," matigas na sambit ni Sir Jace. "Stop being disrespectful to your mother."

Jared just rolled his eyes and continue eating. Tumingin ako sa pwesto ni Kelly at nakitang napipilitan lang itong ngumiti. Magkaharap lang kasi ang pwesto naming dalawa, si Axel at Sir Jared naman ang magkaharap at nasa magkabilang dulo si Ma'am Sandra at Sir Jace.

Tumikhim muna si Ma'am Sandra bago nagsalita. "Don't worry, Jared. Si Kelly naman ang mapapangasawa mo. You love her right? Then it's your chance to be together—"

"Who told you to manipulate me?" Hindi makapaniwalang tumingin si Jared sa kanyang ina. "It's my choice to marry someone I love!"

"Jared!" saway ng kanyang ama.

"What, Dad!?" Tumingin ito kay Sir Jace.

"Respect your mom! Siya ang nagluwal sa'yo sa mundong ito!" Sir Jace slamed the table hard. Hard enough to shake the foods above the table.

"Siya nga pero kayo ba nagpalaki sa'kin?" Tumayo si Sir Jared at dinuro ang kanyang sarili. "Iniluwal niyo ako pero hindi niyo ako inalagaan!" Now, he's pointing his finger towards his mother. "Ikaw, Mom? Narinig mo ba ang unang salitang lumabas sa bibig ko? Nakita mo ba ang unang hakbang ko? Dumadalo ka ba during parent's day ko? Ikaw ba ang nag-alaga sa akin nung nagkasakit ako? Ikaw ba 'yung nagkomporta sa'kin nang namatay si Jade?! Hindi, 'di ba!? So don't expect me to act as if you're a good parents towards me! Because we already know the fucking truth that you're both fucking not!" Nanliliksik ang mata nito habang nagsasalita.

Kinilabutan ako sa nakikita. Is this the real Jared? O may mas ikakalala pa nito.

"Son—"

"Don't call me son, Dad." Putol nito sa kanyang ama. "It is better to disown me as your son than to marry a person without my permission!" Malakas nitong hinampas ang mesa at umalis.

"Jared!" Tumayo si Sir Jace. "Come back here!"

Tinignan ko si Kelly. She's crying.

"H-hindi niya na ba ako m-mahal?" garalgal nito. Niyakap naman siya ni Ma'am Sandra.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon