Chapter 39

173K 4.3K 1.6K
                                    

"Ahhh!" Sigaw ni Roxette sa may pintuan ng banyo.

Nagmamadaling tumakbo sina Ginny at Arianne papalapit sa kaibigan.

"What happened Rox?" Tanong ni Ginny.

Hindi makapagsalita si Roxette na para bang tinakasan na ng bait.

"Oh God! This can't be!" Sambit ni Arianne ng makita ang loob ng banyo.

"Isang karumal-dumal na krimen na naman ang nangyari. Paalam Josh!" Wika ni Ginny na nakatakip ang kamay sa kaniyang bibig.

"Help!" Sigaw ni Arianne.

Agad namang rumisponde sina Mark, Ethan at Kian para saklolohan sila.

Halos balisa pa rin si Roxette hanggang ngayon at hindi pa rin siya nakakarecover sa kaniya nakita.

Tulala pa rin ito hanggang ngayon. Hindi siya umiimik. Hindi alam ng kaniyang mga kaibigan kung ano ba ang dapat nila gawin. Pati na rin ng tatlong lalaki.

Dinala na nila ang bangkay ni Josh sa dapat nitong paglagyan kasama ng ibang mga bangkay.

"Si Josh, laslas ang kaniyang leeg." Sambit ni Roxette. Kasabay nito ang pagtulo ng kaniyang luha.

Niyakap na lamang siya ng kaniyang mga kaibigan para ma-icomfort ito. Para bang na-trauma ito sa kaniyang nakita.

"Letter T, Josh death word was Throat." Wika ni Mark habang nakatayo sa harapan ng magkakaibigan.

"Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa." Sabay na wika nina Kian at Ethan na nakasalampak sa sahig.

"Si Josh, kanina, habang nasa CR siya at nakaupo sa may inidoro at tadtad ng thumbtacks ang kaniyang katawan at mukha, ramdam ko.. ramdam ko ang hinanakit sa kaniyang mga mata." Marahang wika ni Roxette habang lutang ang pag-iisip.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Arianne.

"Nangungusap ang kaniyang mga mata. Para bang nais niyang maghiganti sa taong pumatay sa kanina." Wika ni Roxette na medyo nahimasmasan na. Bumabalik na ang kaniyang ekspresyon sa mukha.

"Malamang, hindi kaya naging makatarungan ang pagkamatay niya." Wika ni Kian na nakikupagharutan kay Ethan.

"Hindi lang iyon, nababalot pa ng itim na aura ang loob ng CR kaya napatigagal ako kanina." Dugtong nito.

Naging interesado ang lahat sa loob ng silid na iyon kaya naupo silang lahat sakama ng pabilog.

"Ewan ko ba, naguguluhan ako! Para bang may demonyong nakapaligid sa kaniya kanina." Aniya.

Kinilabutan sila sa binanggit ni Roxette. Para bang nanlamig ang kanilang dugo sa katawan. Kasabay nito, ang pagbubutil ng kanilang pawis sa mukha.

"So ano naramdaman mo? Takot ba?" Tanong ni Mark.

"Takot, kaba, nerbiyos, halos lahat na! Masyadong malakas yung itim na kapangyarihang bumabalot sa kaniya." Paliwanag nito.

Ikinabahala iyon nilang anim. Maya-maya pa, biglang nagbubukas-sindi ang ilaw ng kanilang silid. Dulot ng takot, napayakap si Roxette kay Mark na ikinaselos naman ni Ethan.

Alas-singko na rin kasi ng hapon at medyo madilim na rin ang paligid kaya imposibleng hindi mo maramdaman ang takot na nais dumampi at mamutawi sa balat mo.

Maya-maya pa, tumigil na sa pagpatay-sindi ang ilaw. Naging mapaya kahit na sandali ang paligid kaya nahimasmasan sila.

Ilang minuto lang, ginambala na naman sila. Isang mahabang buhok ng babae ang unti-unting lumilitaw sa may kisame. Nabubuo na rin ang pigura ng isang babae na parang si spiderman na nakadikit sa may kisame.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon