Kabanata 24.

43.4K 986 56
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE


THIRD PERSON'S POV

"Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Hindi maipinta ang mukha ni Fabio habang nagmamaneho. Kasabay ng pagtugtog, tila naaapektuhan ito. Maging si Alena ay dinamdam ang kanta. Hindi alam kung bakit ngunit tila may pinang huhugutan. Nasa likurang banda naman sina Matias at kasama pa si Alyana.

Nag tuloy ang musika, naging tahimik at mahirap para sa apat ang patuloy na pakikinig.

"Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense but what else can I do
How can I move on when I'm still in love with you"

Napahampas na lamang si Fabio sa manibela. Sumabay pa ang init dahil sa tirik na araw. Hindi magawang lingunin ni Alena ito habang si Fabio naman ay kanina pa pasulyap sulyap sa asawa. Ito ang araw ng pag punta nila muli sa Cebu.

''Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving"

Hindi nakatiis si Fabio at pinatay ang radiyo ng kotse.

"Malapit na tayo." Walang emosiyong ani nito, tinutukoy ang mismong Airport. Ilang sandali lamang at nakarating na sila sa Airport. Nagpark sa mismong parking area at kaniya kanya ng kinuha ang mga bagahe. Wala paring imikan ang dalawang mag asawa.

Kinuha ni Matias ang mabigat na bagahe ni Alena, ngunit hinarang agad nito ni Fabio at siya ang kumuha. Nagkasukatan lamang sila ng tingin hanggang sa pumagitna na si Alena.

"Tama na 'yan." Pagsusumamo nito. Hindi na nakinig pa si Fabio at ito na ang unang umiwas. Inayos at pinagpagan ang nagusot na puting damit.

Inabot lamang ni Alena ito ng tingin. Hindi siya nagbalak na habulin ito habang si Alyana nama'y bumuntot agad sa likuran ni Fabio. Napahinga ng malalim si Alena.

"Here, take it." Inabot ni Matias ang ticket dito. Pagkakuha ni Alena ay agad na sumunod na rin. Nasa loob na sila ng presidential class na plane. Kokonti lang ang mga tao na para sa mayayaman lamang. Pagkapasok sa loob ay agad na nagtungo si Fabio sa may pinakadulo at naupo. Inilagay naman ng mga stewards ang mga bagahe sa compartment ng eroplano.

Sa kanang bahagi ni Fabio naupo si Alena. Ayaw niyang makaharap ang asawa at minabuti na lang na sa bintana ituon ang atensiyon.

"Can I?" Napataas ng tingin si Fabio at nakita si Alyana. Naupo mismo ito sa kanyang tapat at maliit na mesa lamang ang pagitan. Kaagad namang napalingon si Alena, nakaramdam muli ng kirot at pagkainis ngunit pinipigilan lamang ang sarili. Napawi ang atensiyon nito nang may bumungad sa kanya na isang baso ng champagne. Nag angat ito ng tingin at nakita si Matias na may hawak sa magkabilang kamay.

Tinanggap naman ito ni Alena at naupo na si Matias sa tapat nito. "Uminom ka muna, mahaba pa ang biyahe." Ani ni Matias. Naisip marahil nito na makakatulong ang alak sa pag iisip ng malalim ni Alena.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon