Chapter 12

116K 5.2K 2.3K
                                    

Chapter 12


"Roman, pangatlong absent mo na 'to sa graduation practices natin," hinarang ako ni Allen at medyo pinaningkitan ng mga mata. "Anong balak mo?"

I shrugged. "I know the drill, Allen."

"Know the drill?" nagtaas siya ng kilay sa akin. "Eh hindi mo pa nga ata memorize ang graduation song natin eh!"

Sinimangutan ko siya. I heard someone from the back murmured.

"Ang yabang. Palibhasa salutatorian siya."

Numipis ang labi ko. Lumingon ako sa likod pero hindi ko na matukoy kung sino ang nagsalita.

When the list of honor students were announced, bahagya pa akong nagulat nang malamang ako ang salutatorian. I thought it would be Allen. Or someone better in our class. Masyadong mababa ang mga extra-curricular ko kasi hindi ako sumasali sa kung anu-ano. Jack, of course, is our batch's valedictorian.

"Aattend nalang ako mamaya," ani ko at nilagpasan na si Allen. Zechariah is sick today. Hindi siya nakapasok. I could only pray that her mother bothered to take care of her sick daughter right now. Madalas pa naman kapag nagkakasakit si Zechariah, siya lang mag-isa ang nag-aalaga sa sarili niya.

"May nakakita sa inyo sa likod ng gym."

Tumigil ako sa paglalakad nang muling magsalita si Allen. Nilingon ko siya, bahagyang nangungunot ang noo.

He adjusted his black-rimmed glasses on the bridge of his nose. Seryoso niya akong tinitigan.

"Naghahalikan kayo nung si Treveron sa likod ng gym."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumingon-lingon pa ako dahil baka may nakarinig sa kaniya.

"Anong nangyayari, Stormie? Pumapatol ka pala sa mas nakakatanda sa iyo?"

"Why is it suddenly your business?" I said cattily, though I am very nervous right now that someone might hear it and spread the word.

Natahimik si Allen. Mukhang napahiya.

"I-I'm just concerned, Stormie. Elton Treveron is known as a notorious fuckboy. You could be his next victim."

"Even so..." I said in a low voice. "What do you care?"

Allen sighed. Napailing siya sa sinabi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya ng ilang segundo bago napagdesisyunang tapos na ang usapang ito.

"Mark me as absent. Gusto ko na palang umuwi." Mahina pa rin ang boses kong wika. Diretso na kaagad ang lakad ko palabas ng classroom at hindi na lumingon pa. Good thing he didn't try to stop me. Hinayaan niya nalang akong umalis.

Masamang balita ang bumungad sa akin nang makauwi kaming dalawa ni Shantel sa mansion. Isinugod daw si Abuela kanina sa hospital dahil inatake ito ng highblood. Sobrang nag-aalala ako para sa kaniya.

"We will visit your Abuela tomorrow evening." Ani Dad sa hapag. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Si mommy naman ay tahimik lang na kumakain. "Don't worry, girls. She'll be fine."

I was about to open my mouth and speak but Shantel beat me to it.

"Dad, sa March 25 ang graduation day namin, ah?"

"March 25?" kumunot ang noo ni Dad. "Akala ko bas a 26 ang sa inyo?"

"Na-move po eh." Sagot naman ng kakambal ko.

"Paano yan? Sabay pala kayo ng graduation day ni Stormie."

Nagkatinginan kaming dalawa. Sinapo ni Dad ang kaniyang sentido.

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon