Chapter 51 "Sweet Talks"

44.1K 1.9K 890
                                    

a/n: Hey, guys. I'm still alive, if you're wondering. Haha. Sorry for being MIA. This is just a one-chapter-update. I'm afraid, I can't do more for this day. Enjoy the chap. :)

Saisumi's POV

Naglalakad ako ng pabalik-balik sa meeting room habang si Mirco, Louie, Shun at Matt ay nakapaikot sa hologram ng mapa sa gitna. Hindi ako mapakali ngayon. Iniisip ko pa lang na kasama ni Liryu si Miracle ngayon, sumasama na ang mood ko.

"Malawak ang connections ni Kurt. Madami s'yang pwedeng pagdalhan kay Liryu," sabi ni Louie. Nag-volunteer s'yang sumama sa misyon naming ibalik si Liryu. Si Shun naman, napilitang sumama dahil kasama ako. At si Matt, inutusan ni Dad.

Lumingon ako sa kanila. Nahagip ng tingin ko si Malison na tahimik lang na nakaupo sa gilid. Pinapanood kami. At halata sa mukha n'ya na wala s'yang kaide-ideya sa ginagawa namin.

"Anak ka ni Kurt. Sigurado akong madami kang alam sa mga taguan n'ya," sabi naman ni Shunrei.

Biglang tumayo sa pagkakaupo si Malison. Nanginginig pa ang mga kamay n'yang nakahawak sa suot n'yang damit.

"W-walang alam ang kapatid ko. Please, 'wag n'yo na s'yang idamay," parang paiyak pang sabi n'ya. Huminto ako sa paglalakad. Nakikita ko sa kan'ya ang takot at kaba na kanina pa yata n'ya ekspresyon simula nang dinala namin s'ya rito. Hindi ko alam kung anong kinakakaba o kinakatakot n'ya. 'Di ba, dapat ako ang nakakaramdam n'yan? Kasama ng boyfriend ko ang ex n'ya.

Akmang lalapitan ni Mirco ang kapatid n'ya pero sumenyas ako sa kan'ya. Ako ang lumapit kay Malison.

No'ng napansin kong nakatingin pa rin 'yong mga lalaki, sinenyasan ko ulit sila na magpatuloy.

"Nakikinig ako," sabi ko pa. Matthew cleared his throat to get their attentions. Saka ulit sila nagpatuloy sa pag-uusap kahit alam kong nasa 'min pa rin 'yong kalahati ng atensyon nila. Binalik ko ang tingin ko kay Malison.

"Please. Walang alam si Mirco. Hayaan n'yo na kaming makauwi," pagmamakaawa n'ya sa 'kin. Tinitigan ko s'ya ng matagal. Inisip ko na lang na s'ya si Nicka. Hindi ako marunong mag-comfort ng tao pero sabi ni Butler George, gan'to daw 'yon.

Hinawakan ko s'ya sa kanang balikat.

"Kilala mo ba talaga ang kapatid mo?" Tumingin s'ya sa 'kin ng naguguluhan. "Tingin mo, papayag s'yang makauwi ng hindi nababalik si Liryu?"

Lumunok si Malison at napaupo ulit. Tumabi ako sa kan'ya.

"Madalas n'ya ngang ikwento sa 'kin si Liryu. Alam kong sobrang close nilang magkaibigan pero kapag nagkita ulit si Mirco at ang daddy n'ya, baka hindi na s'ya makauwi sa 'kin." At do'n na s'ya humagulgol ng iyak. Sinulyapan ko ulit si Mirco na nasa 'min pa rin ang tingin. Tinapik ko sa balikat si Malison.

"Mukhang wala ka ngang idea kung sino kami," sabi ko. Nag-angat s'ya ng tingin papunta sa 'kin.

"S-sino nga ba kayo?" Tumingin pa s'ya kay Shun na biglang nagtaas ng dalawang kilay. Tinitigan ko ang kapatid ko. Talagang may napapansin ako sa isang 'to. Ngayon lang ulit kami nagkita pero hindi s'ya masyadong clingy. Dahil ba may babaeng iniisip n'yang baka ma-misinterpret s'ya?

Napatango ako ng mabagal habang nakatingin kay Shun no'ng naisip o 'yon. Nanlaki naman ang mga mata n'ya at umiling ng sunod-sunod. Nabasa n'ya ang nasa isip ko na may gusto s'ya kay Malison. Ngumisi na lang ako bago ko binalik sa kapatid ni Mirco ang tingin ko.

"Sabihin na nating.. kami 'yong tipo ng mga taong mahilig sa sakit ng katawan. Mauuna muna kaming mamatay bago ang kapatid mo," sagot ko kay Malison.

Tumayo na ako. Nag-ayos ng damit at tinignan ang oras sa relo ko.

"Alam n'yo na kung nasaan s'ya?" tanong ko sa mga lalaki.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon