Volume 2 CH 23: The Olipo Tribe

1.9K 53 20
                                    

A/n: Sa wakas after 3751609 years nakapagUD na rin si me. Enjoy guys

XXX

Raven's Pov


Nagising ako ng nakarinig ako ng mga ingay. Ngunit hindi ko magalaw ang aking kamay at paa. At dun ko napagtanto na nakatali pala ang kamay ko sa likodan ko at nakagapos rin ang aking dalawang paa.

Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong may busal ang akong bibig. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko ngunit sobrang hikpit ng pagkakatali dito.

Nasan ba ko? Ang huling naaalala ko ay yun may na encounter ko yun mga taong nagproprotekta sa batis. At ako'y pinana nila at nawalan ng malay.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at napagtanto ko na nasa isang silid ako at nangagaling sa labas ang ingay.

'Gusto kong makita ang babaeng nahuli nyo' ani ng isang boses ng lalaki ay napatingin ako sa pintuan at nakita kong dahan dahan itong bumukas at niluwa ang isang lalaking kulay asul ang buhok at nakasuot ng maskara ng may sungay.

Pansin ko na mas marangya ang kasuotan nito kesa sa mga dumakip sakin at hindi masyadong nakakatakot ang kanyang maskara. Ngunit ang pinagtataka ko ay walang butas sa bandang mata ang maskara kaya pinagmasdan ko itong maglakad papalapit sakin at nagtataka ako na kahit nakatakip ang mata nya ay pawang nakikita nya parin ang paligid.

Pagtapat nya sa kinalalagyan ko ay bigla itong umupo at tinanggal ang aking busal.

'Sino ka? A-anong kaelangan nyo sakin?' tanong ko habang pinipigilan ang kabog ng aking dibdib.

Pawang nakatingin ito sakin kahit nakamaskara ito. Pakiramdam ko nakatitig sya sakin at unti unti akong tinutunaw ng mga titig nya kahit hindi ko naman nakikita ang mga mata nya.

' Pangalan?' biglang sambit nito na parang hindi narinig ang mga tinanong ko. Tinatanong nya ba ang pangalan ko?

Pero binaliwala nya ang katanungan ko kaya bakit ko sasagutin ang tanong nya? Pero pakiramdam ko kasi kaelangan kong sagutin ito na ewan. Nagkokontra ang isip ko.

'Pangalan mo?' paguulit nito. Malumanaw itong magsalita na may kahinaan ng boses pero naroon ang otoridad.

'R-Raven, Raven Spade Martel' sagot ko at nakita kong inangat nito ang kamay nya kaya bigla akong napausog at natakot dahil kala ko sasaktan nya ko ngunit hinawakan nya ang aking buhok.

Ilang minuto syang nanatiling ganon at biglang sumulpot sa isip ko ang imahe ni Crow na hindi ko malaman kung bakit.

Napabitaw lang sya sa pagkakahawak sakin ng may biglang dumating na tatlong lalaki na nakamaakara rin kaya dali dali nyang ibinalik ang busal sa bibig ko.

'M-Master Ashton pinapatawag ka ni Ama' ani nung isa sa tatlong lalaki na kulay brown ang buhok na medyo may kahabaan. Hindi ko gusto ang suot nitong maskara mas maayos yun sa lalaking kulay puti ang buhok.

Naramdaman kong tumayo yun lalaki sa pagkakaupo at bago ito maglakad palabas ay lumingon ito sakin at pakiramdam ko na naman ay nagtagpo ang mga mata namin.

Pagalis naman nito ay biglang nagsalita yung tatlong naiwan na lalaki.

'Tawagin ang mga babaelan para mabihisan na ang babaeng ito. Wala dapat tayong masayang na oras' ani ng nasa gitna sa kanila. At ilang sigundo nila kong tinignan at pagkatapos nun ay nilisan na rin nila ang silid na kinalalagyan ko.

Bakit nila ko bibihisan? Ano bang kaelangan at gagawin nila sakin? At hindi ko maintindihan kung bakit tanging yung lalaki lang kanina ang may takip sa kanyang mata. Bakit? Pano sya nakakakita?

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon