Huling Litrato

185 2 0
                                    

(Requested by: YourBaeAlways)

Hindi ko namalayan ang takbo ng panahon.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng isang taon.
Isang taon na puno ng mga malulungkot at masasayang alaala.
Mga alaalang babaunin ko sa susunod na kabanata.

Oo, tapos na.

Tapos na ang taon na ito.
Pagkalipas ng ilang buwan, ibang mga tao naman ang makikilala ko.
Mga tao na magiging parte ng aking kuwento.
Subalit pagkalipas din ng isang taon, may mga dadating ulit na bago.

Parang tayo.

Isang taon lamang tayo magkakasama.
Isang taon lamang magiging kumpleto at masaya.
Maaaring magkita pa tayo sa mga susunod pang taon.
Subalit, magtatagal din ba ang samahan na mayroon tayo ngayon?

Marami pang darating na bago at mga pagbabago.
Bagong kaibigan, kaklase, pati mga bagong guro.
Malayo pa ang ating lalakbayin at nasa ika-pitong baitang pa lamang tayo.
At sigurado ako na hindi lahat maaalala ang mga nangyari sa pangkat na ito.

Pero sana...

Sana huwag niyong ibaon sa limot ang mga alaala na magkakasama nating binuo.
Maaaring makalimutan ang mga pangalan at itsura, pero huwag lamang mga ito.
Sana manatili ang mga alaalang iyon sa ating mga isip at puso.
Kahit pa lumipas ang maraming taon at may dumating na bago.

Maaari ba akong humiling sa inyo?
Nais ko sanang magkaroon tayo ng huling litrato.
Isang litrato na kung saan magkakasama tayo.
Isang litrato na magsisilbing pruweba na naging parte din kayo ng buhay ko.

Hindi man tayo magkakasama sa dulo, alam kong magtatapos tayo.
Magkakaiba man ng mga pangkat, lahat tayo aakyat sa iisang entablado.
Magkakaiba man ng mga pangarap, sigurado ako na maaabot natin ang mga ito.
At kapag nagkita muli tayo, ipapakita ko sa inyo ang huli nating litrato.

Sama-sama nating babalikan ang mga binuo nating alaala.
Yung mga panahon na kung saan nagtutulungan tayong makapasa.
Mga kalokohang ginawa at mga pumatak na luha.
Sabay-sabay nating babalikan yung mga panahon na isa sa mga dahilan kung bakit tayo naging masaya.

Kaya sana pagbigyan ninyo ang hiling ko sa inyo.
Isang litrato lamang na kung saan magkakasama tayo.
Isang litrato na magpapaalala sa akin na naging parte din kayo ng aking kuwento.
Isang huling litrato muna bago natin sundan ang kabanata na ito.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon