Kabanata 26.

48.2K 948 26
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

ITINAPON ni Fabio ang hawak na baso na may laman na alak. Tatlong araw matapos ang pagdiriwang na naganap dito sa mansion. Lumapit ako habang ito naman ay nakasandal sa swivel chair at nakatakip ng mahahabang daliri ang nakakunot nitong noo.

"Mahal."

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at saka inayos ang itsura. Tinanggal ang kamay na nakatabon sa mukha at pilit na pinakakalma ang sarili. Nakangiti ito sa akin at dahan dahan akong hinila papunta sa kandungan niya. Nilingon ko pa ang pira pirasong bubog na nagkalat sa sahig at lumingon muli dito.

"Don't mind me." Sabay hugot muli ng malalim na pag hinga.

"Masiyado lang akong na pressure sa trabaho." Hinaplos ko ang kanyang mukha. Alam ko na ang totoong ikinagagalit nito at wala siyang maitatago sa akin.

"Mahahanap din natin kung sino ang nagnakaw ng code." Nakalagay ito sa kapirasong papel. Hindi ordinaryong papel dahil may nakatago dito. Ito ang code na matagal ng inaalagaan ng Black Estate.

"I will kill that bastard." May gigil sa tono ng kanyang pananalita. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at isiniksik ang aking mukha sa mainit nitong leeg. Kinuha ko ang kanyang palad at inilapat sa aking umbok na tiyan. Naramdaman ko naman ang kanyang pag responde at dahan dahan itong hinaplos.

THIRD PERSON'S POV:

"SINABI ko naman sayo itigil mo na 'yang pagpipinta mo! Hindi ka tumulad sa kapatid mo-"

"Inay, wag niyo naman akong itulad sa ate. Hindi ko pa man siya nakikilala nasasaktan na ako sa-" Hindi na naituloy pa nito ang sasabihin nang dumating ang kanyang ama.

"Ikaw Dia hindi ka makinig sa ina mo." Nag salita ang amain nito.

"Hay nako ewan ko diyan sa anak mo at ayaw itigil ang pag pipinta. Tignan mo naman ang ate niya, mayanan, kaisa isang anak ng mga Monta-" Tila hindi na natiis ni Dia ang kanyang ina.

"Nay tama na ho. Kailan man hindi ako magiging si ate." Palaisipan dito kung anong klaseng buhay ba ang tinatamasa ng kanyang kapatid. Kaagad nitong iniligpit ang mga gamit at nag kulong na lang sa silid. Dinig niya ang pag bubunganga ng ina ngunit wala na siyang pakialam pa.

"Pipinta ako dahil ito ang gusto ko." Ani sa sarili ni Dia. Gusto niyang makapag tapos sa kursong fine arts kahit na tutol ang mga magulang nito. Nag punas na siya ng mga kamay na may bahid ng tinta. Inipit ang buhok at nagpalit na ng damit pang trabaho.

Paglabas pa lamang nito sa kanyang kwarto ay nakaabang na ang ina nito.

"Pasok na ako." Kapos sila sa pera. Hindi na nga dapat ito mag aaral ngunit sadyang mapilit kung kaya't naghanap ng trabaho at namasukan bilang kahera sa isang convenient store. Sa gabi naman ay papasok ito sa paaralan. Isang subject lang ang kaya niyang kunin dahil kinapos sa oras. Wala naman kasi itong choice dahil hindi siya tinatanggap kung part time lang.

"Dia nandiyan kana pala." Ani ni Amy ang kanyang matalik na kaibigan. Ngumiti si Dia at nagpaalam na pupunta lang sa locker room para makapag handa na. Dali dali lang nitong ipinasok ang mga gamit at isinuot ang name plate. Pinagmasdan ang buong sarili sa malaking salamin at huminga ng malalim.

Lumabas na ito at pumunta sa kanyang kaha at nagsimula ng mag bilang ng pera.

Pasado alas nwebe ng umaga at alas diyes pa magbubukas ang convenient store kung saan siya nagtatrabaho. Nagwawalis naman ng sahig ang kaibigan nitong si Amy nang bigla na lamang nabasag ang salamin ng kanilang store. Sa gulat at takot ay napaupo si Dia. Napuno ng bubog ang sahig at hindi nila malaman kung saan galing ang pag sabog.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon