Chapter 55

148K 2.7K 170
                                    

Nakatulog si Chinchin sa mga bisig ni Thunder ng gabing iyon .. gabi na ng makarating sya sa condo unit nya pero nanatili pa din tulog si Chin ..

Noong una nag panic pa sya dahil iniisip nyang baka natuluyan na ito .. pero ng icheck nya ang pulse nito .. ok naman si Chin .. Everything’s fine. Napagod lang siguro ito sa pag gala nila maghapon ..

Matapos nyang maiayos ang higaan ni Chin ay tinawagan nya ang mga magulang nito ..

“Hi Tita .. nandito po si Chin sa unit ko .. napagod po ata sa paglilibot namin .. ok lang po ba na dito ko na sya pagpalipasin ng gabi .. promise po iingat-“

“You don’t need to promise Thunder .. alam namin na aalagaan mo si Chin higit pa sa pag aalaga namin .. at alam namin na mahal na mahal mo si Chin .. and we’ll be forever thankful for that ..”

“Maraming salamat din po sa tiwala Tita .. makakaasa po kayo na aalagan ko si Chin .. as long as I can ..”

Pagkababa nya ng phone ay agad nyang nilapitan si Chin na mahimbing na natutulog .. matagal nyang pinagmasdan ito .. napangiti na lang sya sa tuwing maalala na girlfriend nya na ito ..

Naniniwala sya na pagsubok lang ang lahat ng ito .. hindi hahayaan ni God na maranasan nya ulit ang sakit na dinanas nila ni Storm at ng Daddy nya years ago ..  makakasurvive din sya dito .. hindi nya kukuhanin si Chinchin sa kanya ..

Hindi nya magawang bitawan ang kamay nito na mahigpit nyang hawak hawak .. kahit na napapapikit na ang mga mata nya sa maghapong pagod ay parang ayaw nyang lumayo dito .. masaya na syang makita itong nakahiga sa kama nya .. nagpapahinga .. habang binabantayan nya ..

*

Kinabukasan ng magising sya ay mga kaluskos at tunog galing sa kusina ang narinig nya .. nagulat na lang sya ng makita ang sarili na may kumot na .. wala na sa harapan nya si Chinchin na binalak nyang bantayan magdamag .. tinalo din pala sya ng kanyang antok.

Matapos mag stretch na katawan ay dumiretso sya sa kusina , bagama’t ine-expect na nya ang makikita nya hindi pa din nya napigilan ang pagngiti at bahagyang pagka gulat ..

Tumambad sa kanya si Chin, nakatalikod itong nagluluto at naghahanda ng kakainin nila .. may apron pa ito na madalas nyang gamitin kapag sya ang nasa kusina .. habang nakatalikod ito ay kitang kita nya ang suot nitong T-shirt nya na suot ni Chin .. naisip nya ganito pala ang feeling na makita ang babaeng mahal mo suot ang sarili mong damit, never mind how big it is on her petite body,  kung araw araw syang magigising na ganito ang makikita ay hindi sya mag sasawa ..

“Ehem Mister .. it seems like natulala ka na ata ..” nakangiting panuya ni Chin sa kanya ..

“Well Misis .. You really good wearing my shirt ..” saka binigyan ni Thunder ng tingin mula ulo hanggang paa ang napakagandang dalaga ..

Pero kapwa din naman sila napangiti at nagka initindihan ang mga mata nila .. si Chin na ang nagkusang lumapit sa kanya at habang tinatanggal ang apron nito ..

“Sorry kung hindi na ako nakapag paalam sa iyo .. “ tukoy nito sa damit na suot suot nito ..

“You don’t have to be sorry .. lahat ng akin .. sayo na ..”

Chin smiled sweetly .. naalala nya kanina.. bumungad sa kanya ang napakagwapo at napa ka kisig na Doktor .. hawak ang kamay nya .. nakahiga ang mga ulo sa gilid ng kama .. mukhang binalak nitong bantayan sya .. pero sa huli natalo ito ng antok nya ..

Kaya naman naisipan nyang surpresahin ito.. that’s why nagluto sya ng breakfast para dito.

“Let’s have breakfast .. my Boy ..” pagkatapos nyang sabihin yun ay kusang napapikit si Chin ng maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Thunder sa noo nya ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon