Kabanata 28.

41.5K 937 38
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

"NAY, gising kana!" Naunang tumakbo si Dia sa kinalalagyan ng ina. Naagapan ang tumor nito at naoperahan agad sa tulong ni Alena at Fabio.

"Krusita." Hinaplos naman ng asawa nito ang kanyang mukha.

"Anong nangyare?"

"Nay na coma kayo. Akala namin mawawala kana sa amin nay." Umiiyak na saad ng dalaga.

"Anak bakit niyo ako dinala dito? Hindi natin kaya dito."

"Nay may tumulong sa atin." Tumayo si Dia at binigyan ng puwang ang dadaanan ng kanyang kapatid. Malayo pa lang ay nanlaki na ang mga mata ni Krusita at kusa ng umagos ang mga luha. Kay tagal na panahon.

Niyakap nito ng mahigpit si Alena at ganoon din siya sa ina. Dekada ang lumipas bago niya muling masilayan ang kagandahan ng anak.

"Inay dito na po kayo titira ng tatay." Ipinakita ang simpleng bahay sa Villa na malapit lamang sa private property ng Montague. Naka wheel chair pa ang ina nito dahil sa hirap pa mag lakad ngunit kapansin pansin ang mabilisan nitong pag galing.

"Krusita?" Tinig na nakaagaw ng atensiyon nila.

"S-Senyora Dayana."

Bumuhos ang mga luha ni Dayana. Lumapit ito sa dating kaibigang si Krusita at niyakap ng mahigpit.

"Patawarin mo ako Krusita." Kasama nito si Matias na walang kibo lang na nakatayo sa gilid.

"Nagpapasalamat pa nga ako Senyora dahil pinalaki niyo ng tama ang anak ko."

ALENA:

"Dayana nalang Krusita." Nagtawanan kaming lahat maliban kay Fabio at Matias na mukhang may pinag uusapan. Nagpahanda naman ang mama ng handaan sa pagdating ng tunay kong pamilya. Dito na ginanap sa bahay nila iyon. Simple lamang ito, buong pamilya ko lamang ang kasama sa mga oras na 'yon.

SAMANTALA…

"Maria hindi ba?" Halos malunok na ni Dia ang kanyang dila sa binitawang salita ni Matias.

"Dia Sagrado." Ito ang orihinal na pangalan nito. Ang pamilyang Sagrado.

"A-anong ibig niyong sabihin? Baka nagkakamali kayo." Nanlalamig ang mga palad ni Dia. Nilingon muna nito ang buong pamilya na masayang nag sasalo.

"I was there with my friends." Kumabog ng husto ang puso ng dalaga. Pilit niyang inaalala ang nangyare nang gabing iyon.

"Please wag mong ipagsasabi sa iba." Wala ng nagawa si Dia  kundi ang mag makaawa. Hindi man niya naaalala ay posibleng si Matias ang lalaking nakayuko lamang ng sandaling iyon at walang imik.

"Wala naman akong pakialam sa buhay mo. Pero sana tumigil ka na sa ginagawa mo. Kawawa ang ate mo." Paalala ng binata dito bago umalis. Naiwan si Dia na tulala. Anong alam niya? Hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na iyon. At oo, hinding hindi na ako babalik pa sa maling nagawa ko. Ani nito sa sarili.

"Dia bakit nag iisa ka diyan tara na." Pag aalok ni Alena nang makita ang kapatid na nag iisa sa sulok. Lumapit naman kaagad si Dia. Asiwa na ito kay Matias kaya't siya na ang kusang umiwas. Tumabi ito sa kanang bahagi ng kapatid at pilit na pinakakalma ang sarili.

"Ate may aaminin ako sayo." Mahinang ani ni Dia. Nilingon naman siya ni Alena. Huminga ng malalim si Dia, paano ba niya uumpisahan ang lahat? Paniguradong magagalit ito hindi lamang ang ate niya kundi maging ang ina niya.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon