Kabanata 30.

43.9K 873 50
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

NAGISING sa matinding pananakit na tiyan si Alena. Pawis na pawis ito at kinakapos ng hangin.

"FABIO!" Buong lakas niyang isinigaw ang pangalan ng asawa. Naalimpungatan naman ito at napabalikwas ng tayo. Kabuwanan na ng asawa at malaki ang posibilidad na maglukuwal na ito.

Kaagad siyang binuhat ni Fabio. Nagkalat hindi lamang sa kama kundi pati na rin sa sahig ang tubig na nanggagaling sa bahay panubigan ni Alena.

"Fabio ang sakit." Nakapikit itong dumadaing. Sa kanyang pagsisisigaw ay lumabas ng silid si Dia at nakita ang nangyayare.

"Ate!" Nataranta ito nakasunod lamang ito habang pababa si Fabio at buhat buhat ang asawa. Namumula si Alena dahil sa nararamdamang sakit.

Pilit siyang pinakakalma ni Fabio kahit na maging ito ay kinakabahan. Bago ang lahat para sa kanya. Hindi siya sanay na makita ang asawa sa ganoong kalagayan. Naglabasan ang mga kasambahay dahil sa ingay na nagmumula sa pag sigaw ni Alena.

"Take care of her I'll drive." Mabilis na aksiyon ni Fabio nang ilagay nito sa likurang banda ang asawa kasama ang kapatid na si Dia.

"Ate kaya mo 'yan. Naalala mo ang sabi ng doctor? Inhale, exhale." Pinapanatag niya ang kalagayan ng kapatid at nag simula namang paandarin ni Fabio ang sasakyan.

Alas diyes ng gabi, eksaktong nakarating ang pamilya. Kaagad na inasikaso ng mga nurse at doctor si Alena.

"Sir hindi kayo pwedeng sumama, mag hintay na lang po kayo dito." Paalala ng isang nurse. Bakas ang pag aalala sa mukha ni Fabio at inis. Inis dahil hindi siya maaaring sumunod dahil maselan ang panganganak ng asawa. Hindi siya mapakali. Palakad lakad sa labas ng ER habang lumulutang ang isip.

Nakaupo naman si Dia at tahimik na nag darasal. Ipinag dadasal nitong maging maayos ang pagluwal sa dalawa niyang pamangkin, at maging ligtas ang delivery ng kapatid niya. Lumalalim man ang eyebags nito dahil na rin sa ilang araw na pagpupuyat ay wala siyang pakialam. Balak niyang hindi na muna pumasok bukas kahit na midterm examination na nila sa fine arts. Magpapasa na lang ito ng excuse letter sa prof niyang ubod ng sungit.

Hindi naman nag tagal at dumating na ang mga magulang nila Dia.

"Nay!" Nakatungkod na ang ina nito dahil hirap pa ang kanang binti nito sa paglalakad. Bakas ang pananabik't takot sa mata ng kanyang ina. Inaalalayan naman ito ng asawa sa paglalakad.

Nang makita ito ni Fabio ay kaagad siyang lumapit upang mag mano at alalayan ito sa paglalakad hanggang sa makaupo.

"Hindi pa ba nakakapanganak ang kapatid mo?" Kinakabahang tanong nito kay Dia.

"Nay nanganganak na ang ate. Sabi ng doctor maselan po ito kaya hindi na pinapasok si kuya." Si Fabio ang tinutukoy nito. Balisa naman ito at hindi pa rin matigil sa paglakad.

Lumapit naman ang ama ni Alena at tinapik ito sa balikat.

"Matapang si Alena, kaya niya itong lagpasan." Hindi man gaanong nagsasalita si Fabio ay makikitaan mo ito ng takot at kaba. Ito ang pinaka bago sa kanyang buhay.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas ang doctor.

"Your wife and the twin are safe. Pwede mo na silang bisitahin." Sobrang tuwa ni Fabio nang malamang nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag ina. Payo ng doctor na siya na muna ang dadalaw sa loob.

Pagkapasok ay kitang kita nito ang nahihimbing na si Alena. Ang kanyang dalawang anak naman ay pinupunasan na ng dalawang nurse. Kakatapos lang itong linisin at bihisan. Humaplos sa kanyang puso nang makita ang kambal. Nakuha ang lubog nitong dimples sa kanyang asawa. Ang mga ilong naman ay sa kanya.

Hinaplos niya ng marahan ang mga anak. Ang bago niyang tagapag mana. Bibiyayaan sila ng dalawang lalaking supling. Magkakambal ngunit hindi magkamukha.

Hinalikan naman niya sa noo ang asawa at nagpasalamat. Hindi na muna niya ito inistorbo sa pag tulog at sinulyapan lamang ang dalawang sanggol.

ISANG LINGGO ang lumipas…

"Ang gugwapo ng mga apo ko." Pinapapak ng halik sa pisngi ni Senyora Dayana ang malusog na sanggol. Hawak naman ng ina ni Alena ang isang kambal nito.Napaka gwapo ng mga ito.

Sumapit ang araw ng binyag ng dalawang kambal.

"Ezerhim at Elijah, kay gandang pangalan." Masayang ani ng Senyora Danaya matapos ang binyag. Habang tumatagal ay mas kapansin pansin ang malaking pagkakahawig ni Ezerhim sa kanyang ama. Habang si Elijah naman ay nakuha ang mga mata, labi at hugis ng mukha ng kanyang ina. Napakagwapo ng dalawang kambal. Marami ang nakapansin dahil sa mga mestizo ito.

Buhat buhat ni Dia si Ezerhim at nasa stroller naman si Elijah. Dumating bigla si Matias na hindi na nakapunta sa binyag ng dalawang pamangkin dahil kauuwi lamang nito galing Switzerland.

"Anak kamusta ang Europe?" Sinalubong agad ito ng kanyang ina. Hindi pa man nakakapag salita si Matias ay napansin naman agad ng Senyora ang magandang babaeng kasama nito. Parang modelo sa tangkad, may balangkinitang katawan, katamtaman ang kulay ng balat, maliit ang mukha, magandang mga mata na babagay sa sapat na nipis na kilay nito at maliit na labi.

"Oh hi, who is she?" Takang tanong ng mama nito.

"Mama this is Olive. Asawa ko." Nanlaki ang mga mata ng lahat ng nakarinig. Nag asawa na pala ang bunsong anak ni Senyora Dayana at hindi man lang nila ito alam.

"What? When? How?"

"Mom, easy okay? Ikukwento ko sainyo mamaya. Mahaba pa ang oras natin." Malaki ang pagkakangiti ng binata sa mga labi.

"Ayan na ba ang mga pamangkin ko?" Hindi kasi nakita ni Matias ang mga ito dahil abala siya sa Europa. Lumapit ito sa gawi ni Dia na hawak hawak si Ezerhim. Kanya namang kinuha si Elijah na nasa stroller.

"Hija tara ipapakilala kita sa pamilya namin." Masayang pagkakasabi ng Senyora dito. Malumanay naman kumilos si Olive at mukhang mahiyain. Mabait ito at mapagmahal na asawa.

"Oh kamusta ang pag aaral mo?" Tanong naman ni Matias kay Dia. At kailan pa ito nagkainterest sa pag aaral ng dalaga? Sa isip isip nito.

Tumikhim naman si Dia bago sumagot.

"Gan'on pa rin naman." Hindi naman kasi ito malapit kay Matias kaya't iwas siya dito. Tumango tango na lang ang lalaki at nilaro laro ang baby Elijah.

Si Alena at Fabio ay kausap ni Olive. Isang half pinay at spanish pala ito at nagkakilala sila ni Matias sa Madrid taong 2015. Pinag krus muli ang landas nila sa Europa at nagkamabutihan. Isang modelo si Olive kaya naman may maganda itong pigura.

Sa sipag at pag tatiyaga naman ni Matias ay nakapag tapos ito kahit na siya ang namamahala sa Black Estate. Wala naman kasing balak si Fabio na maging CEO dahil sa mas tutok ito kay Alena at sa dalawang kambal.

Doon na naghapunan ang buong pamilya. Mahimbing naman na natutulog ang mga anak ni Alena at Fabio sa nursery room nito. Si Dia ang nagpatulog sa dalawa na sobrang hilig sa mga bata ngunit ayaw namang mag nobyo.

"So, kailan kayo kinasal?" Tanong ng Senyora dahil sabik itong malaman ang buong detalye. Napalunok naman si Olive na napansin ni Fabio at saka ito nabilaukan. Kaagad na inabot ni Matias ang tubig.

"Ma, wag mong biglain si Olive." Ani ni Matias.

ITUTULOY...

A/N: SUSUNOD NA ANG EPILOGUE

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon