20 ~ Surprise (SPG 1/2)

357K 8.4K 5.6K
                                    




CHAPTER TWENTY

MABILIS na iniwas ulit ni Jess ang tingin kay Dwaye dahil naramdaman niya sa puso ang pagsipa ng sakit sa ipinapakitang emosyon ng lalaking kaharap.

Bakit ito nasasaktan? Bakit tila hindi nito gusto na magpapakasal siya sa iba? Did he realize something? That he would lose her? That suddenly he discovered to himself how worthy she is? Na ang kahalagahan niya noon pa man ay hindi nito nakita at iningatan.

Dwaye let her see how he kissed and touched those bitches. Ang isipin na nakipagtalik ito sa dalawang babae nang mga sandaling iyon ay ang sakit sakit na para sa kanya!

Galit na galit siya kay Dwaye, sarado ang isip niya sa lahat ng paliwanag, pero ang mas ikinangingitngit ng damdamin niya ay ang katotohanan na kahit ilang beses na siyang nasaktan, heto pa rin siya at lihim na nagmamahal ng sobra!

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng oras para makapagpaliwanag sa lahat nang nangyari sa atin? Sayo? Kahit hindi na sa akin nung nawala ka, kasi... alam ko naman na hindi 'yon mahalaga sayo. Hindi a-ako mahalaga sayo, Jess." Ang boses nito ay mababa, paos at may hinanakit.

Mula sa pagkakayuko ay umawang ang labi ni Jess at mahinang napasinghap dahil sa unang pagkakataon ay narinig niya ang ganoong tono mula kay Dwaye. He was always calm, dark and strict. Hindi nagpapakita ng kahinaan, pero ngayon bakit ganito? Bakit may hinanakit na itinatago?

"Hindi ko gustong marinig ang mga paliwanag mo, Dwaye. Para saan pa?" Pinatatag niya ang boses. Sarado talaga ang isipan. "M-Masaya na naman ako kasama ang a-anak ko." Halos mabilaukan siya sa tindi ng kalabog ng dibdib niya, nagkakandautal-utal talaga. "At ilang araw nalang ay iikakasal na kami ni Garry. Our past is nothing to me now. Walang magandang idinulot sa akin 'yon...kundi..." Huminto siya.

Natakot bigla na baka madulas siya sa pagkakaroon nila ng Atasha. Kung may isa sa pinaka magandang nangyari sa nakaraan niya kasama si Dwaye, iyon ay ang pagkakabuo sa anak nila.

"...kundi sakit lang." Imbes ay dugtong niya. "And those lies from you." There's a bitterness on her voice. "And yes, you're not important to me." Dagdag niya pa para pasakitan ito kahit sobrang taliwas 'yon sa isinisigaw ng kanyang puso.

Maingat niyang inangat ang mata kay Dwaye. He was staring at her intently, sobra na siyang tensyonado sa paraan ng pagdilim ng mga mata nito at ang naaaninag niyang kalupitan do'n.

Nakakuyom ang mga kamao sa gilid, kontrolado ang muscles, at ang hitik na mga ugat mula sa likod ng palad paangat sa braso. Dinagdagan lamang ang kaba niya, nakakahiya man aminin pero namamangha siyang pinagmamasdan ang bawat parte at reaksyon ng katawan nito.

"Paano si Atasha?" He asked sternly, ignoring all her hurtful words! Damn him!

She caught off guard though. She did not expect him ask her about their daughter. Nangangapa pa siya ng isasagot pero nadagdagan na nito ang tanong!

"Paano kung dumating ang talagang ama niya." He gave stress to the word 'ama' as if telling her that 'ama' would be her biggest enemy in this marriage thing! "Do you think he would let his own daughter to have another father?" Sobrang kalmado ng boses nito, na nahihirapan na siyang paniwalaan ang pagiging kalmado!

He was hitting something on this conversation! She know it! She see it the way his lips stretched for an evil smirk!

"L-Labas ka na do'n! Wala kang pakialam! Gusto niyang ngiwian ang pagkataranta niya at walang kwentang sagot.

"I demand a DNA Test." He demanded like a boss.

Napapantastikuhang nag-angat siya ng tingin kay Dwaye. His eyebrows shot up, watching her reaction.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon