Kabanata 27

863K 36.2K 53.9K
                                    

Kabanata 27

Kill

Naghintay nga ako gaya ng sinabi ko. Hindi ko alam na marami pala talagang uhaw sa propesyunal at siguradong pagkakabit ng kuryente. Naisip ko tuloy kung patingnan ko kaya kay Leandro iyong sa old building ng asukarera?

Nababaliw ka na ba, Chayo? You are not here for his professional skills, you are here to push him out of town. Kung hindi ko gagawin ito ngayon, kalaunan si Daddy na ang gagawa ng paraan. When that time comes, I can't tell what he can do just to get rid of a Castanier.

Pero dahil nakakabagot maghintay sa lobby ng walang kausap at walang ginagawa, hindi ko na yata napigilan ang antok ko.

Nasaan ba ako? Unang tanong ko noong nagising at nang naalala na kaya hindi ako nakahiga ay dahil nasa sofa ako ng lobby, unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. My neck hurts because of my position yet the sofa was incredibly comfortable enough to slowly drive me into a nap.

Kaya lang, saglit lang, at bakit imbes na ang buong lugar ang makita ko nang dumilat ako, mukha ni Leandro ang naaninag ko. Looking menacing as he stared at me, his touch I felt somewhere on my cheek, pero kalaunan mukhang buhok ko lang pala iyong naramdaman o guni-guni ko lang. Baka pati itong si Leandro sa harap ko, guni-guni lang din?

Hinaplos ko ang pisngi kung saan ko naramdaman ang buhok na nahulog. Aayos na sana ako sa pagkakaupo kaso nagustuhan ko ang anggulo ni Leandro. Nakahilig ang ulo ko sa sofa at siya'y nasa tabi ko, sitting slanted just to face me.

"Anong oras na? Tapos na ang trabaho mo?" the first thing I uttered because why else would he be beside me on the sofa of that lobby.

I tried to close my eyes to cover my guilt. Puwede na kasi talaga akong tumayo pero nanatili akong nakahilig doon.

"Mag aalas tres. Uuwi na ako," aniya.

I should be shocked and I should get up because of that but I didn't. Naramdaman ko lalo ang sakit ng batok ko dahil sa pagkakatulog doon.

"Bakit? Anong oras ba natatapos ang trabaho mo?"

"Five but I've decided to go home early just for today so I'm going home."

Slowly, he gathered the few strands of my hair out of my face. Nakita ko ang ginawa niya, hindi gaya sa nauna na parang panaginip lang. This time, I saw his eyes move on to my cheek and his hand gently put the strands of my hair behind my ear. Naramdaman ko rin ang mabagal na paghaplos niya sa aking panga.

Gusto ko nang umayos nang maputol ang nararamdamang pangungulila kung saan pero pinigilan ko ang sarili ko. Why would I seriously want to stop it? And... which one is the voice of my heart? The one wanting to stop him from being gentle? Or the one telling me to stay in this position? I'm confused!

Pumikit ako para lang matigil ang pangungulilang hindi kayang itago ng aking mga mata.

"Sasama ako."

I was sure he'd say no. I'm sure he'd push me away and make me leave. He didn't want to see me here in his office. It will be his nightmare to see me in his house. Alam niya rin naman ang pakay ko kaya alam ko na rin ang sasabihin niya.

"Saglit lang," dagdag ko sabay diin pa lalo sa mga mata.

Hindi pa yata ako nahimasmasan galing sa pagtulog! I need to get my shit together.

"Take your time. We're not in a hurry," he said.

Napadilat ako roon. Nakita ko siyang hinilig na ang katawan sa sofa, nakatitig pa rin sa akin! His body is angled towards me. Napasulyap ako sa reception at nakitang wala na roon ang babae at lalaki na receptionist niya. Tapos na talaga ang trabaho? Umuwi na sila?

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon