22 ~ Pregnant

342K 9K 3.7K
                                    



CHAPTER TWENTY TWO

ANG mararahan na hampas ng alon hindi kalayuan ang siyang tuluyang nagpagising kay Jess. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap para lang mapamilyar sa silid na kinaroroonan niya.

"Where am I?" She murmured to herself and tried to remember what happened, but before she could even do it, she heard Dwaye's baritone.

"You're awake."

She narrowed her eyes on him. "Saan mo ako dinala?!"

Mabilis na naalala niya ang nangyari! They were drinking wine and suddenly she passed out. He put something in that wine and she wasn't aware of it. Damn him!

"Kumain ka muna—"

"Nasaan tayo?!"

Dwaye was standing near the door's balcony. Ang madilim na langit at ang iilang bituin lang na kumikislap ang naabot ng mata niya sa likuran nito, but she can hear the sounds of the waves.

"Sa Isla."

"Saan?!" Nanggigil talaga siya.

Malakas itong napabuntong hininga, tapos ay bahagyang ipinihit patagilid ang ulo para sa paghithit ng sigarilyo na itinago pala ang kamay sa likod, marahan na ibinuga ang usok. His lips sexily protrude a bit as he blew the smoke, nakakaakit sa paningin kahit hindi naman nang aakit talaga.

Idagdag pa na sumasapaw ang dilim sa kinatatayuan nito, mas nadepina ang maangas na tindig ng katawan.

Lihim niyang kinastigo ang sarili. Tignan palang niya ito parang natunaw na ang pagkainis niya sa nangyari.

"Isla Fuentes."

"Nasaan si Atasha?"

"Why don't you eat and let's talk after?"

"Nasaan ang anak natin?" Diin niya sa iritadong tono.

"She's with Alexza."

Jess gasped. Shocked and worried that Atasha is surely looking for her.

"I'll call her."

Hinagilap niya ang cellphone sa kabuuan ng kama ngunit wala do'n. Naningkit na naman ang mata niya nang muling balingan si Dwaye. Naabutan niya itong humithit ulit sa sigarilyo, ibinuga ang usok sa labas.

"Tinawagan ko na kanina. Sinabi kong magkasama tayo."

"Tigilan mo 'yang paninigarilyo mo." Sita niya kahit na ang hot nito kapag humihithit at nagbubuga ng usok.

Guminhawa na ang pakiramdam niya na maayos naman ang anak nila pero gusto niya pa rin tawagan. Siguradong malalaman niya kung paano nag plano si Dwaye para maidala siya sa lugar na 'yon.

Dwaye turned around, making her face his back, then she saw him put his cigarette in the ashtray above the table. Umayos siya ng upo sa kama nang naglakad ito papunta sa gawi niya.

"Where's my cellphone? Tatawagan ko si Daye." Aniya, nakasunod ang mata sa bawat galaw nito sa loob.

She's facing his back again, he was in the mini kitchen, pouring his glass a vodka. Sumimsim ito do'n tapos ay kumuha ng plato at kubyertos, inilagay sa babasagin na lamesa sa gitna. May nakahain na do'n, siya nalang talaga ang hinihintay.

"Kumain ka na muna para may lakas ka."

"Tatawagan ko nga muna si Daye." Nahimigan niya ang pangungulila sa boses.

Dwaye seems to noticed the longing on her voice, he suddenly get his cellphone on his pocket, he checked something on it before he walked towards the bed.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon