Volume 2 CH 27 : Freedom

1.9K 49 9
                                    

Raven's Pov

'If i could... I don't want to let go of you' ani ni Zack na lalong nagpabato sakin.

Nagulat na lang kasi ako ng hinitak ako nito sa isang kanto sabay yakap sakin ng mahikpit. Aaminin ko namiss ko sya pati ang mga taong malalapit sakin sa linford. Ngunit nakakabigla ang pagyakap nya sakin.

Nanatili kaming ganon ng ilang segundo gustohin ko man itulak sya o magsalita ay hindi ko magawa dahil para kinukuha nya ang lakas ko. Ngunit isang boses ang kumuha ng Atensyon namin dalawa.

'Zack Denholm' tawag nito sa pangalan ni Zack na punong puno ng otoridad.

'I would like you to stop touching her mindlessly.' dagdag pa nito.

Ngunit lalong humikpit ang kapit ni Zack sakin. 'Who are you to order me? I will do whatever I wanted'

Gusto kong bumitaw na kay Zack ngunit talagang ayaw nya kong bitiwan. Hindi ako makagalaw para itulak sya o lumayo sa kanya.

'This isn't the time for this Denholm. So can you please release her' madiin na sabi naman ni Silver. At nararamdaman ko naman na lumuwag yung pagkakayap sakin ni Zack hanggang tuluyan sya bumitaw. Ako naman ay bahagyang nahiya kaya napatungo ako.

'Kahit kelan talaga napaka epal mo.' sagot ni Zack sabay gulo ng kanyang buhok.

'Tara na kaelangan na natin makausap ang pinuno ng tribong ito' seryosong sabi ni Silver sabay hablot sa aking kamay at hinitak ako. Naiwan tuloy si Zack roon.

Medyo mahigpit ang pagkakahawak nya sakin at mabilis rin ang paglalakad nya kaya medyo nakakaladkad na ko. Magsasalita na sana ako ng makita ko kung gaano kaseryoso yun mukha ni Silver habang nakatingin ng deretso sa dinadaan namin. At dahil dun nagpasya na lang akong manahimik

Hanggang makarating kami sa kwarto ng tinatawag nilang ama. Naabutan namin roon si Ashton at dalawang kawal na nagbabantay sa silid nung pinuno nila.

'S-sino sila A-Ashton? Alam b-ba ito ni Ama?' tanong nung kawal na isa ngunit hindi sya sinagot ni Ashton at pinagbuksan lang nya kami ng pinto sabay tingin sa braso kong hawak hawak ni Silver.

'Diba sya yun babaeng bihag natin?' tanong pa nung kawal sasagutin ko sana ito ng biglang nagsalita si Zack.

'Aba ako hindi pedeng hawak sya pero ikaw kung makabakod kay Flat parang pagaari mo sya' ani ng kakadating palang na si Zack. Kaya napalingon ako dito. Gustohin ko man tanggalin yun pagkakahawak ni Silver sa braso ko ay hindi ko magawa dahil mahikpit ito.

'Para medyo unfair Byford' dugtong pa nito. Magsisumula na naman ba sila ng away nila? Hindi ba nila alam na hindi ito ang oras para sa isip batang pagaaway nila.

'H-hindi sila pedeng p-pumasok sa silid ni Ama' napatingin ako sa isang kawal ng nagsalita ito at tinutukan ng espada si Silver. Si Silver naman ay hindi nagbago ang mukha nanatili itong kalmado at naramdaman kong unti unti nyang binitawan ang braso ko.

'Wala kang balak na masama. Gusto lang namin makausap ang pinuno ng tribo nyo. Kaya ibaba mo ang iyong sandata' sabi ko. Ngunit nagdadalawang isip pa ata yun kawal Subalit nung lingonin sila ni Ashton ay agad agad nitong binaba ang sandata nila at bahagyang umatras.

Kaya kinuha na namin pagkakataon yun para makapasok sa silid.

'Anong kaelangan mo Ashton? at mukhang may taong labas ka pang kasama. Biglang salubong samin nung tinatawag nilang ama. Nakaupo ito sa sahig na may unan na pula at napansin kong may kung anong iniinom ito.

' Ako po ito si Raven may nais lang po sana akong sabihin sa inyo' ani ko. Nakita ko naman na tumingin sa gawi ko ang pinuno nila.

'Maupo kayo, mukhang mahaba ang sasabihin nyo sakin' sagot nito kaya dahan dahan kaming lumapit dito at umupo sa tapat nya.

'Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa gusto namin solusyonan ang inyong problema ngunit hindi sa solusyon na iniisip nyo' paninimula ko.

'As if naman papayag akong ipakasal si Flat sa kung sinong walangya' biglang singit ni Zack kaya tinignan ko ito ng masama.

'Bakit gusto mo bang magpakasal sa kung sinong tinubuan ng buhok na yun?' angal nito kaya mas lalo ko syang sinamaan ng tingin. Kahit kelan talaga hindi marunong makiramdam ang isang ito. Alam nya naman na seryoso ang usapan sisingit sya.

'Manahimik ka muna Zack pakiusap' madiin na saway ko sa kanya ngunit nakita ko itong ngumuso at pinagcross ang braso nya.
Hay. Wala akong oras para sa pagtatampo nya.



'Anong solusyon ang iyong naiisip binibini?' tanong nung tinatawag nilang ama habang sinasalinan kami ng inumin.

'Tutulungan po namin kayong makipaglaban sa kanila. Oo aware po ako na ayaw nyo ng dahas ngunit hindi titigil ang pagsugod nila dito sa tribo nyo kung hindi sila matatakot o maiilag sa inyo' sagot ko. Ayaw ko rin naman na dumadak ng dugo o magkasakitan sila ngunit ito lang ang tanging solusyon.

'We need to sway them para hindi na sila muling ibalik dito' pagsasangayon ni Silver sakin at nakita ko naman na tumango tango si Ashton na nakatayo sa isang sulok.

'Naisip na rin namin ang paraan na yan binibini. Ngunit kung mapapansin mo kulang kami sa mga mandirigma mas lamang sa populasyon ng tribong ito ang mga matatanda, bata at babae.' ani nung tinatawag nilang ama.

'At isa pang problema ay hindi namin alam kung san ang kuta ng mga kalaban.' dagdag pa nito.

'Kaya may naisip kaming paraan para dyan. Risky pero kung magiging maayos ang planong ito ay mananalo tayo sa kalaban' wika ko dahilan para mapatingin sakin yung tinatawag nilang ama.

'Pumupunta rito ang mga nilalang na yun para dumakip ng mga bata at kababaihan na binebenta nila sa mga iba't ibang kaharian. Kaya naisip namin na magpapadakip ako sa mga nilalang na yun at pagnaroon na ko ay magsisignal ako sa iyo para makasugod kayo paliwanag ko ngunit napatitig lang sakin yun tinatawag nilang ama at mukhang nagulat sa sinabi ko.

Sa magkabila ko naman ay narinig kong pumalatak si Silver at si Zack naman ay may binulong na hindi ko masyadong narinig. Alam kong ayaw nila sa planong ito pero ito lang ang madaling paraan para mahanap namin ang kuta ng mga nilalang na yun at iligtas yun mga nadakip nila.

'M-Maari mong hindi tanggapin ang plano n-nila Ama. Maski rin naman ako ay nagaalangan dahil ayokong malagay sa panganib si Raven' napatingin ako kay Ashton ng nagsalita ito.

'Tch. Pati naman ako ay ayoko ng plano ni Flat pero kung sinabi nya kaya nya nagtitiwala ako' ani naman ni Zack kaya napangiti ako.

'Pakiusap sana isipin nyo po ito ng mabuti at magtiwala sakin. Gusto ko kayong tulungan gusto kong lumaya kayo sa pagkakakulong nyo sa takot.' wika ko. Pakiramdam ko kasi pagsisisihan ko ito ng matindi kung hindi ko sila matutulungan at isa rin sa mga dahilan ko ay nakikita ko ang Belmoor sa tribong ito at ayokong mangyari ulit ang mga nangyari sa pinakamamahal kong bayan.

Ayokong maulit ulit yun wala akong magawa para tulungan ang mga taong hindi kayang makipaglaban. Oo alam ko hindi na nito mababago ang nangyari sa bayan ko ngunit pakiramdam ko ito ang tama kong gawin.

XXX

Legal wife ni Kim taehyun V.

Sorry kung medyo na late yun UD ko na writer's block kasi ako at biglang nawala yun mga ideyang isusulat ko sana. Then natukso ako ng kdrama kaya nagcomeback ulit kami. Ang rupok rupok kasi ni me sarreh.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon