Chapter 9

50.2K 821 44
                                    

Chapter 9

"Ang weird diba? Miguel din ang pangalan niya!" bulalas ni Yvette habang sabay kaming kumakain ng hapunan. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking kamao sa ilalim ng lamesa habang mataman na nakikinig sa kwento niya.

Ano na naman ang larong ito? Tinitigan ko lang ang kanina pang dumadaldal na si Yvette. Kulang alam niya ang lahat. Pumalatak ako dahil sa matinding kabog ng aking dibdib. Kanina ay nakita ko sila mula sa malayo, hindi ko inalis ang mga paningin ko kay Yvette na kanina ay masiglang nakikipag-usap sa kapatid ko.

Ano na naman ang plano nila? Tanginang yan oh. Mas lalo tuloy namumuo ang hinala ko na wala silang plano na ipaalam sa akin ang tungkol sa mga yon dahil alam nilang magiging hadlang ako. Sige lang, ako ang poprotekta kay Yvette.

"To be fair ang gwapo niya!" maarte pang komento ni Yvette ngunit ang datinng niyon sa akin ay nang-uuyam. Ano ang gusto niyang palabasin na hindi ako gwapo? Umismid ako at mataman siyang tinitigan.

"Mas gwapo ako don." walang kagana-gana kong sagot. Tss. She's too annoying. Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng sobrang taas ng tingin sa sarili. Gandang ganda masyado sa sarili. I admit totoo naman ang mga sinasabi niya na maganda, sexy at matalino siya ngunit sana naman marunong din siyang magpaka-humble.

"Selos ka naman! Hahaha." painom na sana ako ng tubig ng masamid ako bigla. Masama ko siyang tinitigan habang patuloy pa rin siya sa paghalakhak. Kakaiba talaga siya. Tss. Ewan ko ba kung bakit napapayag ang isang katulad niya na maging community nurse. Napaka-arte at halatang hindi sanay na pinapawisan. 

"Bawas-bawasan mo yang pagiging maarte at yang kasupladahan mo baka mamaya ay mapaaway ka dahil diyan." umiling na lang ako ng inirapan niya ako. Kung nakakamatay lang ang irap ay malamang kanina pa ako patay. Kahit ata hindi niya kakilala ay iniirapan na lamang niya ng basta. Iba talaga kapag lumaking mayaman.

"Isang irap mo pa sakin hahalikan na kita." hindi ko na pinansin pa ang panlalaki ng mga mata niya at tumayo na ako para ligpitin ang pinagkainan naming dalawa.

Nang nakatalikod na ay saka ko pinalaya ang kanina pang inililihim na mga ngiti. Damn that girl! She's cute. Kinagat ko ang aking labi at dumiretso na sa may sink. Iyon nga lang buhay prinsesa siya, walang alam na gawaing bahay at ultimo pagluluto ay sa akin inaasa. Paano kapag nagpunta ako ng Manila? Paano kaya mabubuhay ang babaeng yun? Tss.

Pagkabalik ko ay wala na siya sa hapag. Tignan mo 'yon! Humanda ka sakin sa trabaho dahil pahihirapan kita. Paakyat na sana ako ng hagdan ng marinig ko ang marahang pagkatok sa may pinto kaya naman mabilis kong binuksan 'yon, tumambad sa akin ang nakangisi kong kapatid na may hawak na iilang bote ng beer. Bago pa ako makapagsalita ay naglakad na siya patungo sa may baybayin at wala na akong ibang magagawa kundi ang sumunod na lang.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon 'tol! Palay na ang lumalapit sa atin." humugot ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang nag-aanyayang ilaw sa may lighthouse.

"Anong plano?" pinilit kong maging buo ang boses ko kahit ang totoo'y gusto ko ng suntukin ang sarili kong kapatid.

"Si Yvette na mismo ang lumapit sa sarili niyang hukay. Kill her." mabigat ang bawat pagbuga ko ng hangin habang inaabot ang hawak niya. Isang bolo knife 'yon. Iniisip ko pa lamang na itatarak ko 'yon sa katawan ni Yvette ay nanginginig na ang mga kalamnan ko.

"Tikman mo muna kung gusto mo pero patayin mo pagkatapos. Saka na natin isunod sina Brooke at Yvo." hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon