C43: Apocalypto

167K 3.4K 487
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Thania's POV


Lumapit ako sa tabi ni Philip. Tinignan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dito kasabay ng pagsandal ko sa balikat niya.

"Wag mo kong iiwan ha?" Muli kong sinabi ang mga katagang lagi kong sinasabi sa kanya. Alam kong maaring makulitan siya at magsawa sa pakikinig sa mga salitang ito ngunit naninigurado lang ako.

Nang nawala si Freya. Nakuha ko lahat ng inaasam ko. Iniwan man ako ng pamilya ko at nabulok ako sa ospital. Wala na kong pake sa bagay na yon. Pamilya? Hindi ko kailangan ng pamilya dahil sa wakas nakuha ko na ang dapat na akin. Nakuha ko na ang nag-iisang bagay na kulang sa buhay ko.

Si Philip.

Alam kong mahirap para sa kanya. Isang mahabang panaghoy ang buhay para sa aming dalawa. Para kaming mga nalulunod na isda sa loob ng malawak na karagatan. Isang mapanlinlang na rehas. Kung san wala kaming tigil na pinaparusahan. Mga nalulunod na isda na walang ibang alam gawin kundi humingi ng tulong pero sa dulo, wala rin kaming mapapala.

Mga nalulunod na isda.

Tama.

Tinignan ako ni Philip sa mga mata. Ito ang lalaking matagal ko nang pinapangarap Tanging si Freya ang hadlang. Siya lang ang dapat alisin sa daanan. Mahal ko ang kapatid ko ngunit mas matindi ang galit at inggit kaysa sa pagmamahal na iyon lalo na noong mga panahon na iyon.

Nasa kanya ang lahat habang ako'y walang pinaghahawakan na kahit anong katibayan na karapat dapat akong sumaya sa mundong ito, sa malawak na karagatan na ito. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa mata niya at ipinikit ang mga ito.

"Kapag ba nakapikit ka at alam mong nakaharap ka sa akin. Sino ba ang gusto mong makita?" Huminto ako ng ilang segundo. "Si Freya o si Thania?"

Hindi siya nakasagot agad ngunit nakaramdam ako ng matinding kirot sa loob ko nang narinig ko ang sagot niya.

"Si Freya."

Wala na siya. Patay na si Freya. Bakit siya pa rin? Pinatay ko na siya ...pinatahimik ko na siya. Dapat na siyang mawala sa mga isipan nyo. Ako ang nagpatuloy ang buhay na iniwan niya. Si Freya ay wala na ... ako ... si Thania na ang bagong Freya.

Bakit ba walang makaintindi sakin?

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakapatong sa mga mata niya. Tumayo ako at lumapit sa pinakamalapit na bintana. Tinanaw ko ang paligid mula dito. Matagal tagal na rin akong nagtatago sa lugar na ito. Kung sino o ano man ang pinagtataguan ko, hindi ko rin alam.

Basta ang alam ko, kailangan kong magtago.

"Si Freya naman pala ang gusto mong makita. Ba't nandito ka pa?" Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang sinabi niya. Ngunit kahit paulit-ulit kong tanungin iyon, Freya pa rin ang pangalan na lumalabas sa bibig niya. Si Freya, palagi na lang si Freya.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon