25 ~ Past 2/3

240K 7.4K 3.8K
                                    




CHAPTER TWENTY FIVE

ANG KULAY kahel na langit at mapreskong simoy ng hangin ay sapat na kay Jess para makapag isip isip tungkol sa kanila ni Dwaye at sa magiging kinabukasan nila.

Nakakapagod na rin kasi ang sitwasyon nila, na walang label ang kanilang relasyon. Para sa kanya ay mahalaga iyon, gusto niyang may panghawakan at this time dapat ay matibay na. Hindi puro salita lang at paramdam.

"Magandang hapon, po." Ang boses na 'yon ang pumukaw sa kanya.

Nilingon niya ang dalagita sa Isla. Halatang kadarating lang nito kung galing saan ay hindi niya pa alam.

"Hello, ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Jean, po." Ngumiti ito kaya sumilay ang malalim na dimple sa kanan na pisngi.

"Ah, ako si Jess." Naglahad siya ng kamay na kaagad naman nitong kinuha. "You can call me ate Jess. Wag ng Ma'am. Hindi ako sanay."

"Sige po, Ate Jess."

"Saan ka pala galing?"

Pinasadahan niya ang kabuuan nito. She's wearing a black mini skirt and white long sleeve polo. Maayos na nakapusod ang buhok. Litaw ang ganda.

"Sa Altaraza Hotel po sa bayan. OJT."

Tumango-tango siya. "Kila Clane Altaraza 'yan, di ba?"

Kumislap ang mga mata ng dalaga. "Oo, kilala mo rin siya?"

"Kaibigan siya ni Dwaye. Sila nila Zyron."

"Ah, sige ate Jess, magbibihis lang ako."

"Sige, pahinga ka na rin."

Nag-ngitian silang dalawa bago ito tuluyang magpunta sa bahay ng mga ito sa likod lang ng malaking bahay na tinutuluyan nila ni Dwaye.

Ilang sandali pa ay nakita niyang naglalakad si Dwaye papunta kung saan siya nakaupo. Sa may duyan na ratan sa labas ng bahay. He was busy with his cellphone, narirnig niya na ang pakikipag-usap nito kay Atasha sa pamamagitan ng video call.

"Your Mama is here. Kausapin mo na."

Ibinigay sa kanya ni Dwaye ang cellphone nito. Sa malaking screen ay bumungad sa kanya ang magandang anak. Gumaan kaagad ang pakiramdam niya.

"Hello, anak." Jess waved at her daughter.

"Hi, Mama. Miss ka Atasha Daye."

Her heart melted. "I miss you too, anak ko. Don't worry, babalik na kami dyan ng daddy mo, soon."

"Tapos na ang sexy time niyo ni daddy ko, Mama?"

"Sexy time? Saan mo natutunan 'yan?"

Parang gusto niyong hilutin ang sintido. Ilang araw palang niyang hindi kasama ang anak ay ang dami na nitong natutunang salita.

"Kay Ninong pogi po." Ngumuso ito. "Sexy time, di ba?"

"Sinong Ninong pogi?"

"Ninong Zy-on."

Umikot ang mga mata niya. Kakaiba talaga magturo ang lalaking 'yon sa mga bata.

"Nandyan si Zyron?"

"Opo, Mama. Sexy time din sila ng gey-fend niya."

Natawa siya ng bahagya. "May kasamang girlfriend dyan sa resort?"

Mabait na tumango-tango ang anak. "Opo, two. Ganito Mama, o." At hirap na itinaas nito ang dalawang maliit na daliri.

"Anak ko," Napabuntong hininga siya. "Miss na miss ka na ni Mama." Sumimangot siya. "Gusto na kitang makasama ulit." Pinalungkot niya pa lalo ang boses para marinig ni Dwaye.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon