28 ~ Married (SPG)

341K 7.9K 4K
                                    



CHAPTER TWENTY EIGHT

HINDI na nga nagpaawat pa si Dwaye. Nang umagang din 'yon ay nagtungo sila sa Bayan. Sa Mayor's Office sila dumeretso.

Nalaman niya rin na kapatid pala ni Zyron ang Mayor kaya mabilis na naproseso ang mga kapapelan na kakailanganin sa biglaang pagpapakasal.

"Sige na, Luke, ikasal mo na kami." Dwaye was impatient. Kapit na kapit sa kamay niya, akala naman ay tatakbuhan niya.

"Just wait for a minutes, Dwaye. Zia is on her way here." The Mayor said.

Zia's Zyron's sister, isang abogado na tatayong witness nila sa kasal. Tahimik lang siya na nakaupo sa tabi ni Dwaye. Everything was too fast, kagabi lang ay nagtatalo sila at heto ngayon ay ikakasal na ilang sandali pa.

"Bakit tahimik ka?" Puna ni Dwaye, naninimbang ang tingin. "Ano ang iniisip mo?"

Gusto niya itong tawanan, halata naman na may pag aalinlangan pa ito kung gusto niya nga ba itong pakasalan. Mas ito ang hindi mapakali, kesa sa kanya na tahimik lang kahit na malakas ang tibok ng puso.

"I'm just waiting for Attorney Zia. Ano naman ang iisipin ko? Hmm?"

Napanguso ito, tapos ay napasandal sa inuupuan nilang sofa.

"Baka magbago ang isip mo?"

"Nagdududa ka ba sa'kin?"

"I don't really know. Ang gusto ko lang ay magpakasal na tayo agad agad para sa akin ka na talaga."

"Sayo nga lang ako." Paliwanag niya ulit. "Wag ka nang mag isip pa ng kung anu ano dyan. Papakasalan kita kahit na biglaan lang ang lahat ng ito."

"Hayaan mo, sa susunod ay engrande na at kasama na ang anak natin. Okay?"

"Okay, pero kahit hindi enggrande ay ayos lang sa'kin,  basta nasa paligid ang mga taong nagmamahal sa atin, kuntento na ako do'n."

"Kahit anong gusto mo, 'yon ang susundin ko." Sabay halik sa gilid ng ulo niya.

"I'm here!" Salubong sa kanila ng babaeng kapapasok lang sa opisina.

Sabay silang tumayo ni Dwaye. Dinala siya nito sa harap ng lamesa ni Mayor.

"Dala mo ang mga singsing?" Si Luke.

"Oo, Kuya." Zia narrowed her eyes to Dwaye. "Hindi na ako makapaghintay na maging ganyan din si Zyron. 'Yung tipong matatarantang magpakasal sa isang babae kahit walang singsing na dala." Tapos ay bumaling sa kanya. "Sigurado ka na bang papakasalan mo 'yan si Dwaye?"

"Zia." It was Dwaye, nagrereklamo.

Jess chuckle nervously. "Ah, oo, sigurado ako."

"Mabuti, para wala ng ka-tandem si Zyron sa pangbababae sa Maynila. Or, I must say, mababawasan na ang mga babaero."

Mayor Luke laugh shortly. "Zia, tama na 'yan, baka magbago pa ang isip ni Jess. Ayokong magwala 'yan dito si Dwaye."

"Oo, Luke, kaya mabuti pa ay ikasal mo na kami." Si Dwaye na hindi na talaga makapaghintay.

It was a short ceremony. O kung short lang ba talaga dahil lutang siya sa mga kaganapan? May pinirmahan sila pagkatapos isuot ang singsing na dala ni Zia.

"Congrats." Mayor Luke greeted them.

"Thank you, Luke. I owe you." Si Dwaye na nakipagkamay.

"Pasensya na at biglaan." Aniya. "Hindi na kasi ito makapaghintay."

"Walang anuman, Jess."

"Congrats to both of you." It was Zia who hug her slightly. "Sa wakas, nahanap na rin ni Dwaye ang magpapatino sa kanya."

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon