CHAPTER 7

476 4 2
                                    

ANGEL ON FIRE

by rj Nuevas

 

CHAPTER SEVEN

Sumindi ang emergency light sa loob ng elevator. Nagkaroon ng konting illumination. Lumingin siya nang bahagya sa kanan, kung saan naroon si Bed. At nakita niyang nakatingin itong sa kanya, nakangiti nang bahagya.

            “Hi,” halos pabulong nitong sabi.

            “Hello,” ang nanginginig ang boses na sagot niya.

            Hindi ko alam kung paanong nangyari, pero all of a sudden, nasa likod na niya si Bed. Nakadikit ang dibdib nito sa likod ng ulo niya. Ganoon ito kataas.  Gusto niyang humakbang paharap para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila, pero hindi niya magawa. Ayaw sumunod ng paa niya. Parang may magnet ang katawan niya at hinihigop ang katawan ko.

            At naramdaman niya ang pababang paghagod ng mga kamay nito sa braso niya. Pababa sa naka-expose na balat ng kanyang braso. Agad tumayo ang maliliit niyang balahibo sa braso na para bang nangilabot. In a good way.

            At naramdaman niya ang mainit na hininga ni Bed sa kanyang leeg. Mainit na hangin. Pinapaso siya.

            Lalo na nang dumantay ang mga labi ni Bed sa gilid ng leeg niya. Noon siya napapikit. Maliliit na halik iyon na gumapang mula sa leeg niya paakyat sa kanyang kaliwang tenga. Doon ay nagdagdagan ang kilabot na gumagapang sa kanyang katawan. Lalo na nang kagatin nang bahagya ni Bed ang gilid ng tenga niya. Bakit gano’n? May sensation pala sa gilid ng tenga?

            At ang mga kamay ni Bed, lumipat mula sa braso niya palipat sa kanyang bewang. Itinaas nito ang kanyang blouse at naramdaman niya ang mga palad nito sa kanyang bewang. Nanlalamig noon ang kanyang bewang…ang kanyang katawan...na kinokontra ng mainit na palad ni Bed.

            Kasabay ng pagkagat-kagat ni Bed sa kanyang tenga, umaakyat din nang dahan-dahan ang palad nito paakyat sa kanyang boobs. Sa kanyang bra. Hinaplos ng hinlalaki ni Bed ang ibaba ng kanyang bra, paikot paitaas. At dumoble…trumiple ang sensation na nararamdaman niya. Kung hindi siya nakasandal kay Bed, siguradong natumba na siya dahil ramdam niya ang panlalambot ng tuhod niya.

            At ang hinlalaki ni Bed ay gumapang mula sa gilid ng boobs niya patungo sa gitna. Sa utong niya. At kahit sa ilalim ng bra niya, ramdam niya ang init ng daliri ni Bed. Lalo na nang pinindot ni Bed ang utong niya. Napaungol siya.

            Noon umilaw ulit. At umandar na ang elevator. Napadilat siya. Lalayo sana siya pero naramdaman niya ang pagpigil ng mga kamay ni Bed sa kanyang dibdib. Hindi siya nakakawala. At sa totoo lang, parang ayaw naman niyang kumawala.

            Hanggang sa huminto ang elevator. Noon siya parang natauhan. Lumayo kay Bed. Natakot siya na baka may makakita sa kanila. Inayos ang blouse, feeling niya, nakabukas iyon, pero hindi naman. Mula sa loob ng blouse niya gumapang ang mga kamay ni Bed.

            Unti-unting bumukas ang elevator doors.

            Pero walang tao sa labas.

            Dahil nasa penthouse sila. Siyempre, walang access ang kung sinu-sino na lang sa floor na ito.

            “Come with me,” sabi ni Bed habang lumalabas ng elevator. Nakatingin sa kanya. Nang-aanya.

            Pero hindi siya lumabas. Natatakot siya. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nasa gilid siya ng bangin. At may nagyayaya sa kanya na tumalon. Kaya ba niya?

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon