Chapter 23: His Little Secret

7.8K 300 47
                                    

Kanina pa ako tulalang nakatitig sa kisame pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. I’ve been pondering on how I reacted kanina nung sinabi niya na kung kinakailangan eh lalayo muna siya sa akin. It’s just that I feel like I over reacted to the extent pa na mangiyak-ngiyak ako. And the truth is, ayoko yung feeling na yun, yung pakiramdam na parang nagiging clingy na ako eh hindi pa nga official na kami. I wish I could have been more mature.

At yung sinabi ko na gagawa kami ng rules? Nakakaloka, hanggang ngayon kasi eh wala naman akong maisip. Kung pwede lang sabihin na isa lang naman ang gusto ko eh, na akin lang siya. Haha, pero ang feeling ko namang maging possessive. And besides, wala pa akong karapatan.

Natigil na lang ako sa pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone ko sa tabi. And the moment na nakita ko kung sino ang tumatawag, abot tenga na agad ang ngiti ko at excited kong sinagot ito.

“Hey!” maiksi at malamig pa kunwari ang tono ko para di niya mapansing sobrang saya ko.

“I can’t sleep, kasalanan mo to e,” sagot niya.

“Aba! Ako pa sinisi?”

“I can’t stop thinking about you…” yun yun eh! Mas lalo tuloy lumapad ang ngiti ko. Eh sa kinikilig ako.

“Wow ha, so kasalanan ko pa pala yun?” ngiting-ngiti pa rin namang sagot ko.

“Hmmm,” feeling ko tumatango siya sa kabila. “Louise… Louise… Louise…” and he even mumbled my name several times.

“Ano?” natatawa na talagang tanong ko. Para na naman kasi siyang nagmamakaawa sa kabilang linya na parang ewan.

“Please do something about this,” and he pleaded again as if kaya ko namang control-in and utak niya.

“Ganito na lang, marami akong collection na movies diyan sa laptop, manood ka na lang,” nasabi ko na lang tapos bigla akong napaisip. “Nga pala, were you serious when you said nasira yung sa iyo and you needed mine, or you just made that up?”

Pero sa halip na sagutin ang tanong ko eh tumawa siya. Alam ko na tuloy ang sagot. “Partly true,” he answered. “Mine is really broken, pinapa-retrieve ko pa kasi yung files ko sa repair shop. Pero yung pagpunta ko sa inyo diyan kanina para hiramin yung sa’yo, that was just an excuse,” he paused and I figured he might be smiling big right now. “Gustung-gusto lang kasi kitang makita kanina, nagsisisi ako kasi pinaalis kita agad doon sa court,” dugtong pa niya.

“Loko-loko ka talaga, pati pa tatay ko dinamay mo,” kunwari nagtatampong sumbat ko.

“Sorry I lied to your dad. Pero buti nga nandoon siya kanina, if not baka sinugod na kita diyan sa kwarto mo and things might have happened differently…” I can sense in his tone that he’s teasing me again. Bigla tuloy akong namula kahit na di ko siya kaharap.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now