Chapter 44

43 2 0
                                    

Ashanti Azihiro POV:

Tuloy tuloy yong pagpatak ng luha ko dahil na nakikita ko ngayon.

Natapos na ang pagcecelebrate namin.

At bumalik na ulit kami sa school dahil may isa pang activity remember yong mga fruits.

Naghiwalay na ang Class 3-A at Class 3-C.

Inaantok na talaga ako.

Habang umaandar ang bus ay tumayo ako at pinuntahan si Maam.

"Ahhh... Maam pwede po bang magpalit na ako? Di po kasi ako komportable." sabi ko kay Maam.

"Sige pagbalik sa school pero magpapaclass pic pa tayo ng nakaganyan kayo ipopost ko sa ig ko." sabi ni Maam kaya napatawa ako.

"Sige po,Maam." Sabi ko at bumalik na sa tabi ni Dave.

"Oh! Ano daw?" Tanong ni Dave sa akin.

"Mamaya na daw pagkatapos natin magpaclass pic ipopost daw kasi ni Maam sa ig niya." Sabi ko na medyo napangiti.

"Hay naku!" Sabi ni Dave.

"Upo ka na." Sabi niya habang tinatap ang upuan sa tabi niya.

"Nilalamig ka ba?" Tanong niya.

"Medyo." Sagot ko naman.

At nakitang hinubad niya ang suot niyang jacket.

"Oh! Isuot mo." Sabi niya habang sinusuot sa akin yong jacket niya.

"Halatang inaantok ka na sumandal ka muna sakin para makapagpahinga ka kahit saglit." Sabi niya sa akin kaya naman sumandal ako sa balikat niya.

Magpapahinga muna ako sobrang nakakapagod ng araw na ito.

Zzzzzzzzzzz

Dave Smith POV:

Habang natutulog si Ash sa balikat ko ay hinihimas ko ang buhok niya.

Kailan kaya babalik ang twin ni Ash.

Oo may twin siya na lalaki.

Ang pangalan nun ay si Ashton Azihiro.

Close ko yun.

Kringggg

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Pagkatingin ko ay tumatawag ang Mom ni Ashanti.

Tita is calling you

"Oh! Bakit po, tita?"

(Kasama mo ba si Ashanti?)

"Opo tita."

(Oh! Fine, she's not answering her phone)

"Ay tulog po kasi siya tita pero don't worry aalagaan ko po siya."

(Thanks Dave, okay bye end ko na)

Toot toot toot

Nandito na kami sa school.

"Mr.Smith gisingin mo na Ms.Azihiro magpipic na." Sabi ni Maam.

"Ash gising na magpipic na para makapagpalit ka na." Sabi ko habang niyuyugyog si Ash.

"Okay." Sabi niya naman at tumayo na.

Nagpwesto na kami at ang nasa unahan ay si Ash at John Carlos.

Tapos na magpic at ipopost na daw ni Maam yong pic.

"Halika na, Ash." Pagtawag ko kay Ash.

Pumunta kami sa locker niya.

At kinuha yong jogging pants niya at manghihiram siya ng extra tshirt sa akin.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now