Chapter 16

306 24 19
                                    

Chapter 16

Pagkatapos nun, ayun napatahimik kaming dalawa ni Sky. Ayaw naming magkaroon ng LOW grade noh! Saka sayang naman walang plus points! Si Halimaw? Oo, may pake rin ‘yun sa mga grades niya, ayaw daw niya ‘yung may tutor na nga siya panget at strict pa daw. Well, according to  the rumors. PERO OY! Hindi ako ganun ka-tsismosa noh! Slight lang.

“Well, buti naman naka-costume na kayo kahit mamayang hapon pa magsisimula ang project natin. Don’t tell me… EXCITED KAYONG MAG-PARTNER?!” ANO?! Anong pinagsasabi ni Miss V? Excited pwede. Pero excited na ka-partner ko 'yung mortal enemy ko? NO!

“WHAT?!” Sabay kaming sumigaw ng Halimaw, at nagtinginan kaming dalawa… Pero syempre, masamang tingin ang ibig kong sabihin dun.

“PSH. Nag-DENY pa! Sige na nga! Pumunta na tayo sa room ng Drama Club, kayo nalang ang hinihintay namin dun! At another news! Meron tayong new member sa Drama Club”

New member? Sino? Sayang, late na siya sa Fairytale Project. Pero--- SINO PARIN?!

***

“Oh tapos, anong----?”

*BLAG*

Nagulat ako nung biglang nagsara ‘yung pinto sabay ‘yung tunog ng susi na nagla-lock. SHAKS! Ano nanaman ‘to?

“OY! Ano nanaman ‘to?” Tanong ko kay halimaw. Tsk.. See? Minamalas na ata ako ngayon ah, kasama kong naiwan dito sa loob ng Drama Club Room ‘yung… MORTAL ENEMY KO NA HALIMAW?! Kahapon ang swerte ko lang!

“Psh. Common sense naman, so-called-Cinderella, NI-LOCK TAYO! TAYONG DALAWA LANG! BWISIT! Bad trip! Kasama pa naman kita?” Bwisit ka din! Argh! Kainis ka rin, Prince Charming!

“Hoy so-called-Prince Charming! Kung nakakalimutan mo ah, MORTAL ENEMIES TAYONG DALAWA! Saka, ikaw lang na-babad trip? Pati rin kaya ako!” Sumbat ko sa kanya at pinagkrus ko ‘yung mga braso ko.

“Hoy freak! Kung nakakalimutan mo, AKO MISMO ang bumili ng damit na sinusuot mo ngayon! Pasalamat ka nga eh, libre pa!” Pagmamayabang niya. Ah, pwede. Pero---KAHIT NA!

“Tsk. Payn! Pa’no na tayo makakalabas dito?”

“Malay ko ba. Ako ba ang nag-lock?”

SINONG NAG-LOCK?!

***

Ms. V’s POV

Nagi-spy ako sa Cinderella at Prince Charming ko! At… Oo, ako nga ang nag-lock ng pinto para silang dalawa lang ang nasa loob ng room. PLANADO! Saka, mamaya pa naman talaga ang meeting namin!

“UWAAAAA! MS.V!!!!!!! Okay lang ba ‘tong costume ko?!” Narinig ko ‘yung naiiyak na boses ni Michie na palapit sa akin. Oh no, baka narinig nila!

“Shhhhhhh…..!!!! Michie naman eh, nagi-spy ako dito. Shhhh… Baka marinig ka nila!” Pasigaw kong bulong kay Michie. Napatakip naman siya ng bibig niya agad.

Tiningnan ko siya, napansin kong nakasuot na pala siya Ariel costume niya. ‘YUNG MERMAID COSTUME! ‘Yung upper part, nakasuot siya ng isang top, kasi bawal mag-swimsuit sa loob ng university kaya ‘yan ‘yung suot niya. ‘Yung buntot… wala namang problema kasi may butas sa ibaba ng buntot niya at pwede pa siyang makalakad. Wow, sinong nag-design?

Cinderella VS. Prince Charming (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon