Kabanata 15.

38.9K 1K 89
                                    


A/N: Hi guys bago ako mag proceed ay i promote ko lang ang co writer ko na si _herrlichkrieger_ sa mga nag hahanap ng erotic novels basahin niyo po ang works niya. Hindi kayo mag sisisi. Maraming salamat!

Guia:

PALAPIT siya nang palapit sa'kin habang ako nama'y palayo ng palayo. May hangganan din ang aking pag iwas nang maramdaman ng aking likuran ang malamig na pader. Nakatitig lamang ito at nag aalab ang mga mata hanggang sa bigla na lamang tumunog ang phone niya. Natauhan kami at mabilis itong umiwas.

"I have to take this call, leave." Walang kabuhay buhay niyang pagkakasabi at binuksan ang pinto at kinuha sa bulsa ang phone. Tumakbo naman ako palabas. Wala na talaga akong mukhang ihaharap pa dito dahil nanaman sa kamuntikang may mangyare kanina. Kaaagad akong umakyat ng hagdan at nahiga sa malaking kama. Nagtalukbong ng makapal na kumot habang nakabaluktot ang dalawang binti.

Hindi maproseso ng utak ko ang nangyayare. This is insane! Paano ko makakayanang tumira sa iisang bubong kasama ang lalaking 'yon? Paano ako magpapakapusong bato kung siya ang kasama?

Kinuha ko ang malambot na unan at itinakip sa'king mukha. Ayoko na muna siyang makausap dahil may kakaibang init ako sa katawan na nararamdaman. Narinig ko naman ang mga yabag nito pa akyat. Hindi na ako umimik pa ng tawagin niya ang pangalan ko. Mag gagabi na rin naman at bukas na ako gigising ng maaga para sa unang araw ng trabaho.

Dinig ko ang pagbuntong hininga nito. Bumaba siya at hindi na nag salita pa.

NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan ako. Naiinis ako dahil nagising pa ako ng gan'ong oras. Mahihirapan nanaman akong makatulog nito kaya't naisipan ko ng bumaba para uminom ng gatas. Nakapatay naman ang ilaw sa itaas na palapag habang nasisilayan mo ang ilaw na nanggagaling sa lampshade. Railing lang naman kasi ang harang sa second floor kaya't tanaw mo ang buong baba.

Nag desisyon na akong bumaba. Hindi mahagilap ng mga mata ko si Fabian habang pababa ako. Baka naman nasa babae niya o 'di kaya'y nasa bar nanaman at nambababae. Medyo nahihilo pa ako at dahil sa kakagising ko lang ay nanlalabo pa ang mga mata.

Papalapit na ako sa ref at binuksan ito. Nabusog ang mga mata ko sa kompletong ingredients sa loob at pagkaka organized ng mga pagkain. Wala akong masabi kay Fabian pag dating sa ganito dahil napakalinis nga niyang tao. Halatang ayaw nito ng magulo o hindi organize 'di tulad ko, may pagka burara.

Kinuha ko ang fresh milk at kumuha ng baso. Ganito kasi ang ginagawa ko kahit noong nasa hacienda pa ako. Mas maganda daw ang gatas bago matulog dahil nakaka tulong itong pakalmahin ang mga nerves mo sa katawan. Matapos kong maisalin ang gatas sa baso ay ininom ko na ito. Ibinalik ko na rin ang fresh milk sa ref at humarap na para umakyat ng mahagip ng mga mata ko ang isang pinto sa bandang sulok. Doon nanggagaling ang ilaw ng lampshade na tumatagos sa itaas.

Hawak hawak ko ang isang baso na may kalahating gatas at lumapit sa pinto. Nakabukas lamang ito kaya't sumilip ako. Nakita ko ang ganda ng loob at pagkaka organize ng mga libro. Hindi nakawala sa mga mata ko ang lalaking abala sa ginagawa. Seryoso lamang si Fabian habang iniisa isang pirmahan ang mga papeles. Hindi ko akalain ganito pala ito pag dating sa trabaho at inaabot ng madaling araw. Kaagad akong napatago at napasandal sa pader nang tanggalin nito ang salamin sa mata at napahilot sa kanyang sentido. Halata ang puyat at pagod dito ngunit determinadong matapos ang ginagawa.

Napangiti ako ng isipin 'yon. Puro masasamang side lang kasi nito ang nakikita ko at hindi ko akalain na ganito pala siya ka abala pag dating sa trabaho.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Tumakbo pa ako sa baba dahil sa pag aakalang tanghali na. Hindi na mahanap ng mg mata ko si Fabian at bakas pa ang ebidensya na natulog ito sa sofa dahil sa mga unan at kumot na maayos ng nakatupi. Gamit na rin ang banyo sa ibaba dahil naaamoy ko pa ang panlalaki nitong pabango.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon